PSA

Jerusalem haharap sa Mexican fighter

Robert Andaya Sep 16, 2024
111 Views

MAGHAHARAP sa unang pagkakataon sina reigning WBC minimumweight champion Melvin Jerusalem at undefeated Mexican challenger Luis Castillo sa gagawing pagdalo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Sasamahan si Jerusalem (22-3-0, 13 KOs) ng kanyang manager-handler na si JC Mananquil ng Sanman Promotions sa gagawing pagharap sa local media
simula 10:30 a.m.

Dadalo din sa naturang public service sports program ng PSA sina Castillo (21-0-1, 13 KOs) at mga kasama limang araw bago ang nakatakdang Sept. 22 title slugfest sa Mandaluyong City College gym.

Dadalo din sa programa si Marife Barrera, CEO ng Blow by Blow na magpapalabas ng unang world boxing championship fight sa bansa ngayong taon.

Ang forum, na mapapanood sa livestreaming sa PSA Facebook page fb.comPhilippineSportswritersAssociation, ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, ar ang leading sports entertainment gateway sa bansa na ArenaPlus.

Inaanyayahan ni PSA president Nelson Beltran ng Philippine Star ang lahay na dumalo sa forum.