Jessy

Jessy: Lalaban si Luis ng patas

Vinia Vivar Oct 6, 2024
100 Views

Sa pagpasok ni Luis Manzano sa mundo ng politika, all-out ang support ng kanyang asawang si Jessy Mendiola.

As we all know, nag-file na nga ng certificate of candidacy si Luis sa Batangas kasabay ang inang si Vilma Santos at kapatid na si Ryan Christian para sa Halalan 2025.

Tatakbong muli si Ate Vi bilang gobernador ng Batangas at ka-tandem niya si Luis bilang vice governor. Si Ryan naman ay kakandidatong congressman ng 6th district ng naturang lalawigan.

Sa Instagram ay inihayag ni Jessy ang nararamdaman sa pagsabak ng mister sa panibagong mundo.

Aniya ay wala ito sa plano nila pero suportado niya ang asawa anuman ang mangyari.

“This wasn’t part of our plan but God had other plans for us,” simula ng aktres.

As a wifey, si Jessy mismo ang mas nakakakilala kay Luis kaya ibinahagi niya ang magagandang katangian ng mister, kabilang na ang pagiging maalaga at matulungin nito noon pa man.

“Isa ka sa pinaka-masipag, maalaga at mapagbigay na tao na kilala ko. Kahit noon pa man, palagi mong iniisip kapakanan ng ibang tao. Mahilig kang tumulong at makinig sa iba kahit pa walang kapalit na ano pa man, hindi mo gusto na binabanggit yung pangalan mo o pinapaalam pa sa taong tinutulungan mo.

“Minsan tumatanggap ka ng trabaho kahit na pagod na pagod ka na dahil may pinangakuan kang tutulungan. Alam namin yan at kahit lahat ng mga katrabaho mo, alam nila kung gaano ka ka mapagbigay.

“Ang puso mo ay napaka-linis at yun ang isa sa rason kung bakit kita minamahal,” ani Jessy.

“Alam kong hindi ito parte ng plano natin pero andito ako para suportahan ka kahit ano pa man ang mangyari. Isang malaking pagbabago ito sa buhay natin at alam kong mabuting pagbabago ito. Marami kaming nakasuporta sayo, Love,” patuloy pa niya.

Ayon pa kay Jessy, matitikman na ng ibang tao ang alagang “Lucky” na ilang taon na niyang nararanasan.

“I am extremely proud of you for choosing this path, the path to help make a change and extend help to others. You are made for this. Mararanasan na ng iba ang alagang ‘LUCKY’ na ilang taon ko na rin nararanasan.

“Ang SWERTE namin sayo. Mahal na mahal ka namin, maraming salamat @luckymanzano sa buong pusong paglilingkod. Maunlad na Batangas, para sa bagong Pilipinas,” pagtatapos ng mensahe ng aktres.

May netizen na nagkomento na sana ay talagang karapat-dapat si Luis na magsilbi upang hindi masayang ang boto ng mga Batangueno at sinagot ito ni Jessy.

“Sana din bigyan ng pagkakataon si Luis to prove this. He grew up learning so much from his mom and his stepdad when it comes to politics. I do not understand why some people are so quick to judge porket ‘artista’ siya.

“Ang pagiging artista ay isa lang sa mga kaya niyang gawin sa buhay. Others do not know Luis like I do. What if he just really wants to serve the Filipino people?

“Others are so quick to judge. Honestly, sa lahat ng artista na tumakbo at tumatakbo si Luis ang isa sa pinaka-qualified sa lahat.

“I hope people let him prove himself when it comes to public service. Kung ang ibang tao nga may karapatan tumakbo, bakit ang isang tulad niya hindi pwede?

“Napalaki ng maayos at matino si Luis nila Momski, Daddyo at Tito Ralph. Hindi naman siya ina-appoint sa pwesto niya. Lalaban siya ng patas. At the end of the day, ang mga BOTANTE parin ang magdedesisyon kung ihahalal siya bilang public servant, wala nang iba,” ang mahabang pagtatanggol ni Jessy sa mister.