Calendar

Nation
Jesus Ministry magdiriwang ng ika-40 anibersaryo
Jon-jon Reyes
Jun 9, 2025
23
Views
MAGDIRIWANG ang Jesus Ministry ng Ika-40 anibersaryo sa Hunyo 15 sa Space One, Ayala Avenue, Makati.
Itatampok sa pagdiriwang ang isang prayformance ng KALOOB Dance Ministry sa ganap na alas-3:00 ng hapon na magpapakita ng pagsamba sa pamamagitan ng cultural dance at musika.
Ang milestone event na ito ay nagpaparangal sa apat na dekada ng pananampalataya, komunidad at paglilingkod sa Diyos sa pangunguna ng Punong Pastor na si Dr. Ed Lapiz.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pasasalamat at pagdiriwang.
Abante: Sinimulan ng Quad Comm ipagpatuloy
Jun 9, 2025