JGFPgolfest Xavier School: Overall champion.

JGFP golfest pinuri ni Manotoc

Ed Andaya Dec 21, 2022
530 Views

PNURI ni Junior Golf Foundation of the Philippines (JGFP) chairman Tommy Manotoc ang mahusay na mga laro ng mga batang golfers sa katatapos na
Inter-School tournament.

Gayundin, kinilala ng dating national player-coach na si Manotoc ang pagsusumikap ng mga bagong7 JGFP officials para tiyakin ang tagumpay ng kumpetisyon, na pinagpaliban sa nakalipas na dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

“I am overwhelmed by the enthusiasm shown by our junior golfers. Congratulations to them, good job,” pahayag ni Manotoc, na isang ding sikat na PBA coach.

“Also the hardworking men and women of the JGFP really did a very good job,” dagdag pa ni Manotoc, na kasama din ni JGFP president Oliver Gan, Mimosa Plus General Manager Michael Gapin at golf director Rory Young sa pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) para isulong ang kapakanan ng mga JGFP members.

Inanunsyo naman ni Gan ang pagdaraos ng mga nationwide tournaments ng JGFP simula sa Davao City sa Jan. 5-8, Cagayan de Oro sa Jan. 28-29 at Del Monte sa Feb. 4- 5.

“As part of the program of the JGFP, we will go nationwide, and we’ll start our grassroots program simultaneously with the programs of our chairman Tommy Manotoc in Zamboanga,” pahayag ni Gan.

Samantala, nasungkit ng Xavier School ang overall championship sa nakalipas na JGFP Inter-School tournament matapos ang mga kumpetisyon sa Mimosa Plus, Eagle Ridge, Riviera at Intramuros.

Ang De La Salle Zobel naman ang naghari sa Senior High at Junior High divisions, habang ang Ateneo ang nagwagi sa Middle School category.
Namayani ang Xavier sa Lower School class.

Sa Senior High, ang La.Salle Zobrl team nina Zachary Castro, Tae Won Kim, Zhan Pocholo Medina, Santino Magtalas at Rafa Ilas ay nakalikom ng five-round total na 424 points upang talunin ang Xavier School, na may 416 points

Pumangatlo ang Ateneo na may 371 points.

Ang De La Salle Zobel team nina Tristan Padilla, Rafa Leonio, Gab Handog, Joachim Cadena and Stephon Lizardo ay may 394 points para manalo sa Junior High.

Pumangalawa ang Xavier na may 347 points at pumagatlo ang International School Manila na may 288 points.

Nagpasikat sina Race Manhit, John Majgen Luis Gomez, Javier Stefano Bautista at Juanton Cruz ng Ateneo sa kanilang 322 points para sa Middle School title habang nagbida sina Kenzo Tan, Kenji Yamada, Scott Dee, Jesus Yambao at Matteo Yazon ng Xavier para sa Lower School title.

Pinangunahan naman ni Nicole Gaisano-Gan ang Immaculate Conception Academy para sa overall title sa developmental league matapos madomina ang Senior High at Lower School divisions.

Ang naturang kumpetisyon ay itinaguyod ng Philippine Sports Commission sa pakikipagtulungan ng Islandwide Distribution Corp., Acro City Residences, Personal Collection, Filinvest Tiezza, Mt. Fuji, Cafe de Margaux, Jenny Bucay at Sky Flakes.