Joaquinn

Joaquin tatakbong konsehal, Isko tatakbong mayor ng Maynila

Jun Nardo Jul 19, 2024
51 Views

POSITIBO na tatakbo bilang konsehal sa isang sa distrito sa Maynila ang Sparkle artist na si Joaquin Domagoso, ayon sa nakausap naming malapit sa kanya.

Kaya naman pala, cameo role lang ang ginawa ni Joaquin sa GMA afternoon series na Lilet Matias: Attorney at Law.

Eh, politician ang tatay niyang si Isko Moreno kaya naman hindi masisisi kung pasukin din niya ang larangang ito.

Samantala, inaabangan ng mga taga-Maynila ang magiging desisyon ni Isko sa darating na 2025 mid term elections.

Kung dati, eh, wala nang balak si Isko na bumalik sa pulitika, mukhang may pagbabago sa mga post niya na, “Ginalaw na ang baso!”

May kasama pa itong hastag na #IskOrganic.

Pasok din sa Top 12 senators si Isko sa latest survey na lumabas.

Mayor kaya or senator?

Miguel TanfelixMiguel kumpirmado sa Batang Riles

KUMPIRMADO na palang bibida si Miguel Tanfelix sa gagawing action- drama series ng GMA na Mga Batang Riles.

Ang Mga Batang Riles ang launching movie noon ni Raymart Santiago as an action-drama star.

Makakasama rito ni Miguel sina Kokoy de Santos, Raheel Bhyria at Antonio Vinzon.

Ang ilan naman sa senior stars na makakama nila ay sina Jay Manalo, Diana Zubiri, Eva Darren at Ronnie Ricketts.