Joey

Joey: Hindi namin tinitira Showtime, di rin nila kami tinitira

Jun Nardo Apr 19, 2024
100 Views

NAGBIGAY-LINAW muli si Joey de Leon kahapon sa isang video sa X (formerly Twitter) kaugnay ng banat nila ni dating Senador Tito Sotto na magsasara na ang Eat Bulaga.

Eh, ispekulasyon tuloy ng mga nakapanood sa depensa nila ni Tito, ang It’s Showtime ang pinatutungkulan nilang nagpakalat ng maling balita.

“Ito’y para lang matapos ang usap-usapan. Unang-una, hindi… hindi, huh! Hindi namin kaaway ang Showtime. ‘Yung Showtime, matagal na naming kapitbahay ‘yon. Hindi namin sila tinitira at hindi rin kami tinitira.

“Ang pinapatungkulan namin, ‘yung nagpo-post sa social media… nu’ng nagalit kami sa Eat Bulaga, ‘yung mga nagpo-post sa social media.

“Kaya hinamon namin ‘yung nagpo-post na ‘yon, hindi ang Showtime, kung tatagal sila ng 15 years. Hoy, happy anniversary, Showtime. Fifteen years na nga ang Showtime, bakit namin hahamunin ‘yon?

“Mahal namin ang Showtime dahil kasabayan namin ‘yon. Dadalawa na lang kami. Huwag n’yo kaming pagsabungin! Magkakaibigan din kami.

“Ang pinatutungkulan namin, ‘yung magsasara na kami. Dadalawa na lang ang shows, magsasara pa ‘yung isa?

“At ‘yung isa, longest running! Top 5 nga sa mundo. Kasama kayo sa honor na ‘yon.

“Kaya inuulit namin, ‘yung galit namin ni Tito at ng Dabarkads at sama ng loob, doon sa nagpo-post, hindi sa free TV. Anong tawag doon?

“Facebook, Instagram, social media. ‘Yung mga salbahe doon! Talagang didipa ako, luluhod, kung maka-15 years ‘yung mga tsismoso na ‘yon, sinungaling na ‘yon.

“’Yung Showtime, we love you! Hindi kami magkaaway! Nagtatrabaho lang kami.

“’Yun lang ‘yon. Okay? Ganoon lang kalinaw kasi hahaba pa ‘to. ‘Yung iba pinagsasabong kami.

“Dalawa na lang po kaming lunch shows. We love each other. Matagal na. Mahigit isang dekada na kaming magkapitbahay.

“So ‘yun lang po. Inuulit ko, ‘yung mga sinungaling na nagpo-post sa social media, mga bwisit, ‘yun ang pinatutungkulan namin. Okay?” paliwanag at paglilinaw pa ni Joey sa X.

Clear, dear People’s Taliba readers?