DFA

Joint exploration ng PH, China itutuloy sa Mayo

168 Views

ITUTULOY ng mga opisyal ng Pilipinas at China ang pag-uusap kaugnay ng panukalang joint exploration ng langis sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa inilabas na anunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-uusap ay itutuloy sa Mayo.

“The meeting will discuss parameters and terms of reference,” sabi ng DFA.

Ang pag-uusap ay bunga ng napagkasunduan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping ng magkita sila sa Beijing noong Enero.