Martial Arts

Judokas, wrestlers pasiklab sa WMAF

Robert Andaya Nov 16, 2022
411 Views

NAGPASIKLAB sina Sophia Nicole Novino at Rhian Napoles sa judo at Jiah Pingot at Grace Loberanes sa wrestling sa 8th Philippine Sports Commission Women’s Martial Arts Festival sa Rizal Memorial Sports Complex.

Tinalo ni Novino, na grade 8 student sa National Academy of Sports, ang kalabang si Mikeighla Louise de Vera ng Baguio Judo Club, 1-0, para masungkit ang gold medal sa women’s -44kg division.

Una dito, tinalo din ni Novini sina Gabrielle Lorine Dizon at Princess Maurine Villafranca sa priminarfird.

“Nagpapasalamat po ako sa aking panalo. Hindi po ito first na nakalaban ko si Mike (De Vera). Magaling po siyang kalaban, ” pahayag ni Novino.

Naiuwi naman ni Napoles ang gold sa -48kg division matapos pataubin si Mariana Alicia Roces sa finals at Jamila Abanador sa semifinals.

Ang iba pang gold medists sa demo sport na judo ay sina Shanaia Yve Febrer (-32kg), Jhenica Serrano (-40kg), Analyn Dino (-52kg), Samara Nina Vidor (-57kg), Maegan Motilla (-63kg), Raphaela Estrada (-70kg) and Francesca Michaela Roces (+70kg).

Samantala, pinabagsak ni Pingot si Lady May Carabuena ng Mandaluyong City para makuha ang gold medal sa freestyle -53kg senior habang winalis ni Loberanes si Kimberly Jhoy Bondad sa traditional wrestling 57kg.

Wagi din sina Cathlyn Vergara (classic 52kg), Mary Jhol Cacal (58kg), Jean Mae Lobo (63kg), junior grapplers Melissa Tumasis (52kg), Nicole Pinlac (58kg), Rhea Cervantes (63kg), Amber Arcilla (57kg) at Nashica Tumasis (freestyle 53kg).

Ang naturang six-day festival ns tinstsmpuksn ng mga magagaling na Filipino women martial arts athletes mula 11 sports, ay bshagi na din ng paghahanda para sa 6th Asian Indoor Martial Arts Games sa Bangkok, Thailand next year.

Ang WMAF, na itinataguyod ng PSC sa tulong ng Pocari Sweat Go21, ay mapapanood sa livestreaming sa PSC YouTube channel at PSC WMA Festival FB page.