Calendar

Julia flinex ang pagmamahal kay Coco
Kung dati ay may mga reservations pa si Julia Montes tungkol sa relasyon nila ni Coco Martin at hindi pa niya ito masyadong mai-open-up sa public, ngayon ay iba na dahil very vocal na ang aktres tungkol dito.
Sa kanyang Instagram ay nagbigay ng appreciation post si Julia para kay Coco at ipinagsigawan ang pagmamahal sa long-time partner.
Nag-post ang aktres ng larawan nila ni Coco na magka-holding hands na pumasok sa katatapos lamang na ABS-CBN Ball 2025.
“ABS-CBN Ball 2025 — the best part? Walking in with you. To the man I love, you make every event unforgettable. Dressed to the nines with the one who makes my heart shine. #brightertogether,” ang caption ni Julia.
Sinagot naman ito ni Coco ng tatlong kissing face emoji.
Needless to say, kinilig nang bonggang-bongga ang CocoJuls fans pati na rin ang kanilang kapwa-celebrities.
“OMG . LOVE YOU BOTH,” komento ni Angelica Panganiban.
Sey naman ni Melissa Mendez, “kilig ako nak.”
Nag-react naman si Iza Calzado ng tatlong heart emoji.
“Kiligggggers,” hirit naman ni Shaira Diaz.