The cheating Game

JulieVer bida sa pelikulang ‘The Cheating Game’ ng GMA Public Affairs

Eugene Asis Jul 27, 2023
270 Views

julie and rayverjulie and rayverNAPAPANOOD na sa mga sinehan ang pinakaunang pelikula ng GMA Public Affairs sa ilalim ng GMA Pictures na “The Cheating Game.” Pagbibidahan ito nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

‘A feverish, deep-dive into the psyche of two individuals who react differently to betrayal’ — ganito kung ilarawan ang “The Cheating Game”. Isa itong romantic drama na magpapakita ng mature, relatable, at realistic side ng pakikipag-date sa panahon ngayon.

Sa kwento, si Hope (Julie) ay isang young professional na may pagka-idealistic. Umiikot ang mundo niya sa kanyang fiance at ang non-governmental organization (NGO) na kanilang itinayo. Hanggang sa mag-viral online ang sex video ng kanyang fiance kasama ang ibang babae.

Heartbroken, mag-uumpisang muli si Hope. Magiging content producer siya sa isang kumpanyang, lingid sa kaalaman niya, ay isa palang troll factory. At dahil ayaw na niyang muling maloko sa pag-ibig, gagawa siya ng isang ‘cheat sheet’ na nagdedetalye ng ‘anatomy of a cheater’ na gagawin niyang batayan sa pakikipag-date.

Makikilala ni Hope si Miguel (Rayver), isang self-made businessman na larawan ng isang ‘perfect guy’ at malayung-malayo sa kaniyang ex. Ngunit habang napapalapit ang loob nila sa isa’t isa, unti-unti na ring lumalabas ang kanilang long-kept secrets.

Makakasama nina Julie at Rayver sa “The Cheating Game” sina Martin Del Rosario bilang Brian Villogo; Winwyn Marquez bilang Vanessa; Yayo Aguila bilang Faith Celestial; Candy Pangilinan bilang Tita Gelly; Phi Palmos bilang Joi Celestial; Thea Tolentino bilang Natalie; at Paolo Contis bilang Mister Y.

Mapapanood din sa pelikula sina Chef Jose Sarasola, Charm Aranton, Charlize Ruth Reyes, Rocelyn Ordoñez, Aaron Maniego, Andrea So, Ida Sabido, Evan Tan, Roi Oriondo, Bernadette Anne Morales, Felds Cabagting, at Iman Manoguid.

Ang “The Cheating Game” ay co-written at directed ng best-selling author na si Rod Marmol. Nakilala siya sa mga proyektong “Cuddle Weather,” “Mata Tapang,” at “Quaranthings.” Batay ang pelikula sa orihinal na konsepto ni Peabody award-winning documentary writer at producer Shao Masula, at co-written ito ni Jessie Villabrille na head writer din ng ilan sa mga sikat na GMA primetime series.

Ang “The Cheating Game” ang pinakaunang offering ng GMA Public Affairs sa big screen. Kasama rin sa line-up ng mga pelikula nila ang fantasy drama na ‘Firefly,’ horror movie na ‘Penthouse 77’, science fiction romance na ‘Version 2,’ at ang 4K documentary film na ‘The Lost Sabungeros.’

Let the games begin. Panoorin ang “The Cheating Game” sa mga sinehan.

DISCLAIMER: This Message may contain confidential information intended only for the use of the addressee named above. If you are not the intended recipient of this message you are hereby notified that any use, dissemination, distribution or reproduction of this message is prohibited. If you received this message in error please notify your Mail Administrator and delete this message immediately. Any views expressed in this message are those of the individual sender and may not necessarily reflect the views of GMA Network, Inc.