Ed Andaya

June Mar at Japeth haligi ng Gilas

Ed Andaya Aug 24, 2023
307 Views

BAGAMAT inaasahang sasandal ang Gilas Pilipinas sa galing ni NBA “Sixth Man of the Year” awardee Jordan Clarkson ng Utah Jazz, hindi maikakaila na malaki ang magiging kontribusyon ng original “Twin Towers” ng team na sina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar.

Tanging sina 6-10 Fajardo , na six-time PBA MVP mula San Miguel Beer at 6-9 Aguilar ang mga natitirang miyembro ng original Gilas Pilipinas team na naglaro mula pa nung 2014 World Cup sa Spain.

Wala na ngayon sa Gilas team ang kanilang mga dating kasamang sina Jayson Castro, Gary David, LA Tenorio, Paul Lee, Marvlc Pingris, Jimmy Alapag Ranidel de Oampo Gabe Norwood, Jeff Chan pati na ang naturalized Pilipino na si Andray Blatche sa koponan na hinawakan din ni Coach Chot Reyes nung 2014.

Sa Gilas team naman na pinatnubayan ni Coach Yeng Guiao nung 2019 World Cup sa China, wala na din ngayon sina Blatche, Lee, Norwood, Robert Bolick, Mark Barroca, Troy Rosario at Raymond Almazan at tanging sina CJ Perez, Kiefer Ravena at Roger Pogoy bukod kina Fajardo at Aguilar ang natirira.

Kung kaya’t masasabing ang dalawang higante ng Philippine basketball na sina Fajardo at Aguilar ang tunay na aasahan, lalo pa kung leadership at experience ang pag-uusapan.

At siyam na taon matapos magsilbing haligi sa pagbabalik ng Pilipinas sa world basketball stage sa unang pagkakataon matapos ang 40 taon, sina Fajardo at Aguilar ay muling tutugon sa tawag ng tungkulin para pangunahan ang Gilas 3.0 sa FIBA,World Cup 2023.9

Kaya pa ba nila?

Kaya pa ba nila na makipagsabayan sa mga big men ng world No. 23 Dominican Republic world no. 42 Angooa at world no. 10 italy?

Kaya pa ba nila makipag-bangaan sa mga tulad ni three-time NBA All-Star Karl Anthony-Towns ng Dominican Republic?

Kaya pa ba nila na gabayan ang kanilang mga mas batang teammates, tulad ni 7-4 Kai Sotto at 6-10 Filipino-Cypriot AJ Edu.?

“They’ve just have so much experience,” pahayag ng 23-year-old na si Edu sa mga naunang panayam patungkol kina Fajardo at Aguilar

“It’s going to be their third straight World Cup, so it’s pretty crazy. Watching them working on a daily basis, there’s so much I can soak in terms of knowledge, so I’m trying to be a sponge and take in as much knowledge as I can,” piwanag pa ni Edu, ns unang naglaro sa Philippine Youth team sa FIBA World 3×3 competitions, at FIBA Asia Cup.

Abangan ang mga kasagutan sa FIBA World Cup 2023 simula ngayong Biyernes sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

NOTES — Kumpleto na ang mga kalahok sa FIBA World Cup,l 2023 na gaganapin sa Philippine Arena, Smart Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena…Ang Team USA, na binubuo ng 12 batang NBA players, ay mananatili sa Shangri-La The Fort BGC. Samantala, ang Gilas ay titira naman sa Grand Hyatt Hotel sa BGC. Ang iba pang mga hotels para sa mga dayuhang teams ay ang EDSA Shangri-La Manila, Conrad Manila and Novotel.

Para sa mga komento at suhestiyon, mag e-mail sa [email protected]