Revilla

Kabalikat Act pipirmahan sa Hunyo 3 ni PBBM

96 Views

NAKATAKDANG pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 3 ang ‘Kabalikat sa Pagtuturo Act’ na inakda ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Layunin ng batas na bigyang pugay ang pagisikap ng mga public school teachers sa pamamagitan ng dagdag sa kanilang taunang teaching allowance.

“Walang mapaglagyan ang aking pasasalamat at tuwa ng mabalitaan na magiging batas na ang Kabalikat sa Pagtuturo Act.

Ngayon pa lang labis na akong nagpapasalamat kay PBBM sa magiging pag-apruba ng aking panukala. Higit pang nakakatuwa na agad itong mapipirmahan ng Presidente matapos na pirmahan din niya ang aking mga panukalang amendment sa Centenarian Law at ang pagbabawal na sa ‘No permit, No exam’ policy,” sabi ni Revilla.

Base sa probisyon ng batas, madadagdagan mula sa P5,000 magiging P10,000 simula sa school year 2025-2026.ang teaching allowance ng public school teachers.

Ayon sa datos, tumatanggap ang mga public school teachers para sa kanilang aktwal na pagtuturo.

Noong 1988, tumatanggap lamang sila ng P100 allowance, P200 noong 1989-1992, P300 sa noong 1993-2007 at P500 noong 2008.

“Isang hakbang pa lamang ito sa marami pa nating mga ipapasang panukala upang bigyang-sandata ang ating mga guro,” ayon sa kanya.