GM Eugene Torre at IM Angelo Nakisaya sina GM Eugene Torre at IM Angelo Young sa ginawang simultaneous chess exhibition matches sa E. Rodriguez Jr. High School kamakailan. Kasama sa larawan sina (mula kaliwa) ASC auditor Bess Maghirang, Ms. ERJHS Alumni Jean Wenceslao, ERJHS Principal Gina Obierna, ASC president Ed Andaya at ASC vice president Imee Gines.

Kabataan hinimok nina Torre, Young na maglaro ng chess

Ed Andaya May 29, 2023
361 Views

MAKE the right moves and play chess.

Ito ang panawagan ni Asia’s first GM Eugene Torre sa mga kabataan upang lalo pang matiyak ang kanilang magandang kinabukasan.

Sa kanyang pagbisita kaugnay ng “Isulong Mo with GM Eugene Torre and IM Angelo Young” simultaneous chess exhibition matches sa E. Rodriguez Jr. High School, ipinahayag ni Torre ang kahalagahan ng paglalaro ng chess upang magkaroon ng mga mabuting pananaw sa buhay.

.“Life is like a game of chess. You always have to make the right moves and follow the rules. If you fail, you get up and try again,” pahayag ni Torre, a gumawa ng kasaysayan bilang unang Asian grandmaster dahil sa kanyang mahusay na paglalaro World Chess Olympiad saa Nice. France nung 1974.

Ipinaalala din ni Torre, na magiging 71 taon gulang sa darating na Nobyembre, sa mga estudyante ng nasabing paaralan na laging sundin ang three kings sa buhay: spiritual king, mental king at physical king.

“Sundin natin itong sinasabing three kings in life. Kapag maayos ang ating spiritual, mental at physical well-being, maayos ang buhay. Kaya natutuwa nga ako na may mga ganitong pagsisikap na ma-promote ang chess sa mga paaralan, lalo na sa mga kabataan,” dagdag pa ni Torre, na nagbigay din ng 15-board simultaneous chess exhibition sa mga piling students at alumni ng nasabing Quezon City public high school.

Sumang-ayon din si Young sa mga naging pahayag ni Torre at pinagdiinan din ang kahalagahan ng pagsusulong ng chess para mas ilapit sa mga tao, lalo sa kabataan.

“Napakahalaga na magkaroon tayo ng mga ganitong pagbisita sa iba’t ibang mga paaralan at magsagawa ng mga ganitong exhibition matches para makahanap pa tayo ng mas madaming mga homegrown talents,” paliwanag Young, na una nang iniluklok sa ERJHS Alumni Sports Club Hall of Fame nung 2016.

Nakasama ng dalawa sa pagtataguyod ng chess ang dating Ateneo program director for chess IM Idel Datu, na nagbahagi naman ng kanyang kaalaman sa laro.

Ito ang ika-dalawang sunod na pagkakataon na bumisita si Torre para magbigay ng chess simul sa mga ERJHS students matapos ang katulad na gawain nung February, 2018.

Pinuri din nina Torre, Young at Datu si ERJHS Principal Gina Obierna pati na ang ERJHS Alumni Sports Club dahil sa kanilang pagsisikap na pasikatin ang chess sa paaralan.

Ang top five student-participants sa nasabing chess simul ay sina Clark Kean Amodia, Reyland Samson, Lhu Fearigs Calimbas, Xenon Santos at Stephanie Nicole Belgira.

Gayundin, nagbida ang mga outstanding alumni na sina Jose de Leon ng Batch 66, Tony Susano ng Batch 72, Romeo Gagap ng Batch 85 at Richard Nell ng Batch 93.

Dumalo din sa nasabing simultaneous exhibition matches sina Sapporo Winter Olympics delegate Marcelo de Guzman ng Batch 72, dating ERJHS Alumni Association president Jess Asistin of

Batch 76, Roberto Castor Rover Scouts head Fe Castor-Pangan at nga ASC officers na sina Zeny Castor, Imee Gines, Oliric Lacsamana, Jane Jimenez, Bess Maghirang, Ramon Ypil, Albert Andaya, Richard Nell at Roy Madayag at Ms. ERJHS Alumni Jean Wenceslao.

Naging pangunahing tagapagtaguyod naman ang Batch 70, Batch 76, Batch 81, Batch 82, Camp Pulong Gubat Wave Pool Resort-Batangas at Ping-Ping Lechon.

Nakisaya sina GM Eugene Torre at IM Angelo Young sa ginawang simultaneous chess exhibition matches sa E. Rodriguez Jr. High School kamakailan. Kasama sa larawan sina (mula kaliwa) ASC auditor Bess Maghirang, Ms. ERJHS Alumni Jean Wenceslao, ERJHS Principal Gina Obierna, ASC president Ed Andaya at ASC vice president Imee Gines.