Martin1

Kahalagahan ng biyahe ni PBBM sa Singapore binigyan-diin ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Sep 14, 2023
231 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglahok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 10th Asian Summit sa Singapore na isa umanong malaking hakbang para sa mas maayos na kinabukasan ng Pilipinas.

Ayon sa lider ng 311 miyembro ng Kamara de Representantes ang pagdalo ng Pangulo ay isang pagpapahiwatig ng matibay na pangako nito pang maiangat ang bansa bilang isang pangunahing destinasyon ng pamumuhunan, partikula sa umuusbong na sektor ng renewable energy.

“Through his (President Marcos’) determined efforts, Singaporean businesses are being urged to view our nation as a primary investment destination, particularly in the renewable energy sector.

The anticipated influx of investments in this field can potentially lead to greener energy solutions and more affordable electricity rates for Filipinos,” ani Speaker Romualdez.

Ayon sa lider ng Kamara, ang pakikipag-ugnayang ito ay nagdadala ng pangako na mas mapa-unlad ang ekonomiya ng bansa at mapatatag ang ugnayan nito sa Singapore sa paglikha ng mas maraming mapapasukang trabaho na pakikinabangan ng masisipag na mga Pilipino.

“Emphasizing our commitment to infrastructure development through the 8-Point Socioeconomic Agenda, we anticipate a marked improvement in our public facilities, roads, and overall services,” sabi ni Speaker Romualdez.

“Such initiatives will undoubtedly enhance the day-to-day lives of Filipinos, fostering ease in transportation, trade, and access to essential services,” dagdag pa nito.

Iginiit ni Speaker Romualdez na ang biyahe ng Pangulo sa Singapore ay hindi lamang para sa diplomasya kundi isang patunay ng pagnanais ng gobyerno ng Pilipinas na maging maayos ang hinaharap ng bawat Pilipino.

“Together, with our international partners like Singapore, we remain committed to uplifting the lives of our citizens and driving our nation towards greater heights,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Sa naturang biyahe, ibinida ni Pangulong Marcos ang mga katangian ng bansa upang maenganyo ang mga negosyanteng Singaporean na magmuhunan sa Pilipinas.

Sa kabila umano ng mataas na inflation at kawalan ng katatagan sa pandaigdigang merkado, sinabi ng Pangulo na nakapagtala ang Pilipinas ng 7.6 porsyentong growth rate noong nakaraang taon na siyang pinakamabilis na paglago ng ekonomiya simula noong 1976, kung kailan ang kanyang ama ang Pangulo.

Inaasahan umano ang patuloy na paglago ng ekonomiya ngayong taon batay na rin sa pagtatayang ginawa ng World Bank at International Monetary Fund.

Ibinida rin ng Pangulo ang malaking consumer base ng bansa na umaabot sa 110 milyon, ang Maharlika Investment Fund at ang mga repormang ginawa upang mas maraming makapagnegosyo sa sektor ng public service, retail, at renewable energy.