Enverga

Kahalagahan ng magandang samahan ng Kamara, Palasyo iginiit

159 Views

ANG maganda umanong samahan ng Kamara de Representantes sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang susi kaya maraming naipasang panukala ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa unang regular session ng 19th Congress.

Ito ang sinabi ni Quezon Rep. Mark Enverga, stalwart ng Nationalist People’s Coalition (NPC), kasabay ng paghimok nito sa kanyang mga kapwa mambabatas na gayahin ang magandang halimbawa ni Speaker Romualdez at ituon ang kanilang atensyon sa pagpasa ng mga panukala na makatutulong sa mga Pilipino.

“Speaker Romualdez is taking the high road. He is even urging us to be more productive as the 2nd Regular Session of Congress draws near. And I fully agree: we have to focus our eyes on the prize, which is working for the welfare of our constituents, the Filipino people,” ani Enverga, chairman ng House Committee on Agriculture and Food.

“And the House, under the guidance of Speaker Romualdez, has a strong synergy with President Marcos and his administration. I hope we could maintain that and continue to be effective in our objectives, such as passing priority legislation of the President,” sabi ni Enverga, na siyang nanguna sa imbestigasyon kaugnay ng manipulasyon ng presyo ng sibuyas at nakadiskubre sa kartel na gumawa nito.

Nauna ng nagbabala si Speaker Romualdez at Enverga na bukod sa kartel at mga kasabwat nito na kakasuhan ang iba pang nananamantala at nagpapahirap sa mga mamimiling Pilipino.

Si Speaker Romualdez ang nagpatawag ng isinagawang imbestigasyon ng komite ni Enverga kaugnay ng paglobo ng presyo ng sibuyas sa P700 kada kilo noong Disyembre.

Nakapagproseso na ang Kamara de Representantes ang 9,600 panukala– 8,490 panukalang batas, 1,109 resolusyon, at isang petisyon, o average na 30 panukala kada sesyon sa unang 10 buwan ng 19th Congress.

Natapos na rin ng Kamara ang 33 sa 42 panukala na hiniling ni Pangulong Marcos na agad na tapusin.

Ang 33 panukala ay bahagi ng 577 panukala na natapos ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.

Sinabi ni Enverga na ang magandang performance ng Kamara ay kinilala ng publiko sa pamamagitan ng mataas na trust at performance o satisfaction rating na nakuha ng Kamara at ni Speaker Romualdez sa malalaking survey gaya ng Social Weather Stations (SWS), Pulse Asia at Octa Research.

“The House of Representatives and Speaker Romualdez have been getting high marks from surveys conducted recently. We don’t want any diversions to adversely affect the good performance of lawmakers. We need to look after the welfare of the people,” sabi ni Enverga.

Sa survey ng OCTA Research mula Marso 24 hanggang 28, nakapagtala si Speaker Romualdez ng 59 porsyentong satisfaction rating, mas mataas ng 15 porsyento kumpara sa 44 porsyento na nakuha nito sa survey noong Oktobre 2022.

Nakapagtala rin si Romualdez ng 55 porsyentong trust rating o tiwala ang mayorya ng mga Pilipino sa kanya. Ito ay mas mataas ng 17 porsyento kumpara sa survey noong huling quarter ng 2022.

Sa huling survey ng SWS at Pulse Asia, ang Kamara at si Romualdez ay nakapagtala ng 56 porsyento at 51 porsyentong satisfaction at performance ratings.

“We could not have done this without the synergy we have with Malacañang. The teamwork made all of these possible. This is why we have to further strengthen this harmonious relations with the administration of President Marcos,” dagdag pa ni Enverga.