Martin

Kahalagahan ng pagbuo ng matatag, mapayapa at progresibong ASEAN community binigyan-diin ni Romualdez

231 Views

BINIGYANG-DIIN ni Speaker Martin G. Romualdez ang kahalagahan ng pagbuo ng isang matatag, mapayapa at progresibong komunidad ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ginawa ito ni Romualdez sa kanyang pagharap sa kinatawan ng iba’t ibang bansa sa ASEAN Inter-parliamentary Assembly (AIPA) na ginanap sa Sokha Hotel sa Phnom Penh, Cambodia.

“Today, we come together, as we do every year, to consolidate our efforts in building a cohesive, resilient Asean community that is peaceful, secure and stable, but more than that, we come together to foster the closest possible relations with our fellow AIPA parliamentarians,” ani Romualdez.

Si Romualdez ang nanguna sa Philippine delegation sa AIPA. Kasama nito si Zamboanga del Norte Rep. Glona Labadlabad, ang chairperson ng House committee on inter-parliamentary relations and diplomacy.

Kinilala rin ni Romualdez ang chairman ng pagpupulong na si Cheam Yeab, ang unang vice president ng National Assembly of Cambodia at mga kasama nito, at ang delegasyon ng mga miyembro ng ASEAN.

Muling inulit ni Romualdez ang pangako ng Pilipinas na susuportahan ang mga inisyatiba at resolusyon na ipapasa ng AIPA tungo sa mas matatag na ASEAN region.

“Our task of preparing the statement of the AIPA President should strengthen our vision of an AIPA that is instrumental in enhancing peace, stability, and security in the region, as well as building a prosperous, inclusive, and people-centered community,” dagdag pa ni Romualdez.

Nagpasalamat din ni Romualdez sa mainit na pagtanggap sa kanila ng National Assembly of Cambodia.