BBM2

Kahalagahan ng pagdalo sa WEF iginiit ni PBBM

156 Views

IGINIIT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng paglahok ng Pilipinas sa World Economic Forum (WEF) upang maselyohan ang mga usapin ng pamumuhunan sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos dumalo sa WEF ang mga opisyal ng mga kompanya na nasa Fortune 100 at nagbigay ito ng pagkakataon upang mahikayat ang mga ito na mamuhunan sa bansa.

“When is the next chance we will get to speak to CEOs of top Fortune 100 companies in the period of two days? So whoever we get to talk to, kailangan nandoon ‘yung secretary na pwede niyang sagutin, pwede niyang kausapin,” ani Pangulong Marcos.

Ipinagtanggol din ni Marcos ang pagsama sa biyahe ng ilang mambabatas gaya nina House Speaker Martin Romualdez at Senator Mark Villar at sinabi na kailangan ang lehislatura upang makagawa ng mga batas na kailangan ng mga mamumuhunan.

“Let’s say you talk to a potential investor, sasabihin niya ‘yung batas ninyo hindi maganda eh. Kami naiipit. And it’s not a good law, et cetera, et cetera. So at least we have the legislators here who can say: ‘Well, we can do something about it;’ or ‘No, that is important to us that we maintain it, et cetera, et cetera,’” dagdag pa ng Pangulo.

“Because legislation is an important part of what we are doing. So there’s always a legislator. And in the case of former president GMA (Gloria Macapagal-Arroyo), we’re lucky to have her onboard,” sabi pa ni Pangulong Marcos.

Mayroong mga kompanya na nagsabi na palalawigin ang operasyon ng kanilang negosyo sa Pilipinas na lilikha ng dagdag na mapapasukang trabaho. Nina RYAN PONCE PACPACO & ROY PELOVELLO