sara ouse Majority Leader and Lakas-Christian Muslim Democrats president Martin Romualdez kasama si vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte.

Kalamangan ni Mayor Sara sa ibang VP bets lalo pang lolobo sa paglapit ng halalan

534 Views

ASAHAN na umano ang lalo pang paglobo ng kalamangan ni Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang mga kalaban sa pagkabise presidente habang lumalapit ang araw ng halalan.

Ayon kay House Majority Leader and Lakas-Christian Muslim Democrats president Martin Romualdez patuloy ang pagdami ng mga tao na nangangako ng suporta kay Duterte, ang running mate ni Partido Federal ng Pilipinas standard bearer at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“I am convinced that Mayor Duterte will not only sustain her lead over her rivals, but will gain further, now that we are in the official campaign season where the vice presidential candidate could bring her and the UniTeam’s platforms directly to the people and expound on them,” sabi ni Romualdez.

Inaasahan umano ang lalo pang pagtaas ng rating ni Duterte ngayong nagsimula na ang kampanya at nadadala na nito ang panawagang pagkakaisa para sa mabilis na pagbangon ng bansa mula sa epekto ng pandemya.

Sa survey ng Laylo Research na isinagawa mula Enero 19-24, nakakuha si Duterte ng 60% voters preference mahigit triple ng 19% na nakuha ng pumapangalawang si Senate President Tito Sotto III.

Sa survey ng Pulse Asia noong nakaraang buwan ay nakakuha naman si Duterte ng 50% malayo kay Sotto na may 29%.

Inilungsad ni Duterte ang “Mahalin Natin ang Pilipinas Ride” upang malibot ang buong bansa.

Una nitong pinuntahan ang mga lugar sa Mindanao bago umikot sa Visayas at Luzon kung saan umani ito ng pagsuporta.

Sina Marcos at Duterte ay inendorso na rin ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde kamakailan kasabay ang panawagan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.