BBM

Kalye Survey: BBM Panalo sa Amerika,Canada

290 Views

KAHIT ang mga Pinoy na nakabase sa Amerika at Canada ay solido ring nakasuporta kay Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., base sa kinalap na Kalye Survey sa mga naturang bansa.

Sa datos ng Pulso ng Pilipinas, si Marcos ay nakakuha ng 56.18 porsyento o 250 boto mula sa 445 respondents sa kontinente ng North America.

Ang bilang na ito ay kabuuang nakalap na ‘real time, real man on the street survey,’ mula Oktubre 2021 hanggang Enero 31, 2022, ayon sa SPLAT Communications.

Malayong pangalawa kay Marcos si Isko Moreno na nakakuha ng 61 boto o 13.71 porsyento. Halos nakadikit kay Isko si Leni Robredo na pangatlo sa bilang na 56 na boto o 12.58 porsyento.

Pang-apat si Manny Pacquiao na may 16 na boto o 3.6 porsyento, habang si Ping Lacson ay nakakuha lamang ng apat na boto o .90 porsyento.

May 13.03 porsyento naman ang undecided.

Katuwang naman ng SPLAT Communications ang information at statistical data consulting firm na Simplified Strategic Solutions (SSS) sa pagtaya ng mga datos na nalikom ng Kalye Survey.

Sinabi ng SPLAT na pati mga analyst nito ay namangha sa nakuhang boto ni Marcos na nagsabing karaniwang ang mga Pinoy sa North America, karamihan sa mga impormasyong nakukuha nila patungkol sa nalalapit na May 9, 2022 national elections ay mula mismo sa mga mainstream media ng Pilipinas.

“Honestly, we were surprised that BBM is way ahead of other presidentiables in North America. For a long time, they get their information from the mainstream Philippine media through their cable networks or satellite feed subscriptions. As such, we have always perceived their sentiments to be anti-Marcos and anti-Duterte. But we were proven wrong. This only means one thing – the BBM avalanche is real and it is global,” it said.

Kahit sa iba pang panig ng bansang Amerika ay si Marcos pa rin ang sinusuportahan ng mga Pinoy dahil mula sa 412 respondents, 221 boto ang nakuha ni Marcos o 53.64 porsyento.

Malayong nakasunod si Moreno na may 60 na boto o 14.56 porsyento; pangatlo si Robredo sa 54 na boto o 13.11 porsyento. Si Pacquiao ay may 16 boto o 3.88 porsyento; si Lacson ay may 3.73 porsyento; samantalang ang undecided ay 14.08 porsyento.

Ang mga datos na ito ay nakuha ng Kalye Survey sa West Coast sa Los Angeles at San Francisco sa California.

Samantala, 35 respondents naman ang nalikom sa Canada. Si Marcos pa rin ang nakakuha ng pinakamalaking boto mula sa 29 puntos na nakuha nito o 87.88 porsyento.

Malayong pangalawa si Leni na may tatlong boto o 6.06 porsyento. Si Isko ay pangatlo sa dalawang boto o 3.03 porsyento; pang-apat si Lacson na may isang boto o 3.03 porsyento; habang zero naman si Pacquiao.

“The low volume of respondents (in Canada) is due to the very strict and ever-changing implementation of this country’s Covid protocols. BBM is the overwhelming choice in Canada, with 87.88 percent,” sabi pa ng SPLAT.

“We are here in Ontario, Canada malakas talaga ang BBM-SARA dito. especially in the Toronto area. Shout Out from Harina Bakeshoppe solid BBM-SARA kami,” komento ng isang subscriber ng SPLAT sa kanilang YouTube page.