Department of Budget Itini-turn over ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman ang kopya ng proposed P5.768 trillion 2024 National Expenditure Program (NEP) kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez Miyerkules ng umaga sa Romualdez Hall sa Kamara de Representes. Kasama nila sina (mula kaliwa) DBM Asec. Mary Anne Dela Vega, Usec. Janet Abuel, Dr. Joselito Basilio, House Minority Leader Marcelino Libanan, Committee on Appropriation Chairperson Rep. Elizaldy Co, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe at Committee on Appropriations Vice Chairperson Stella Luz Quimbo. Kuha ni VER NOVENO

Kamara aaprubahan 2024 nat’T budget bago mag-break ang session ng Kongreso sa Oktubre — Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Aug 2, 2023
143 Views

TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at sa mamamayang Pilipino na aaprubahan at pagtitibayin ng Kamara de Representantes ang panukalang P5.768 trillion 2024 national budget bago mag-break ang session ng Kongreso sa darating na Oktubre.

Ipinaabot ni Speaker Romualdez ang kasiguruhang ito matapos maganap ang pormal na submission ng tinatawag na President’s budget proposal sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na dinaluhan ng mga senior members ng Kamara sa pangunguna nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. at House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe at iba pang mga kongresista.

Kabilang din sa mga dumalo sa ginanap na 2024 national budget submission sa Kongreso ay mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) sa pangunguna ni Budget Sec. Amenah Pangandaman.

“Let me assure everyone that the House of the People understands full well the need to pass the national budget on time. The national budget is crucial in maintaining economic stability, sustaining the country’s growth trajectory and facilitating the seamless implementation of government programs and projects. As such, it demands the House’s utmost attention and commitment,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Kasabay nito, tiniyak din ng House Speaker na magiging transparent aniya ang Kamara de Representantes sa gagawin nitong deliberasyon sa 2024 proposed national budget. Kung saan, binigyang diin pa ni Romualdez na sisiguraduhin din ng Kongreso na kahit sa pinaka-maliit na sentimo ay hindi msasayang para makamit ang minimithi o goal ng pamahalaan.

“We will make sure that every centavo of the national budget will be spent wisely and and contribute to our goal of reigniting the fires of our economic forges. Sisiguruhin namin dito sa Kongreso na lahat ng buwis na ibinayad ng ating mamamayan ay maibabalik sa kanila sa pamamagitan ng mga programa at proyekto ng gobyerno. Bawat pisong dagdag sa kaban ng bayan, mapapakinabangan,” ayon kay Speaker Romualdez.

Umaasa din si Romualdez na sa pamamagitan ng kooperasyon ng kaniyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at mga opisyal ng DBM ay magagawa nilang masuring mabuti o ma-scrutinize at ma-deliberate hanggang sa maipasa ang 2024 national budget bago ang break ng Kamara sa darating na Oktubre.