Martin2

Kamara agad aaprubahan panukala para sa komersyo at kalakalan

249 Views

TINIYAK ni Speaker Martin G. Romualdez na agad aaksyunan ng Kamara de Representantes ang mga panukala kaugnay ng komersyo at kalakalan.

Sa kanyang pagsasalita sa General Membership Meeting ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang pinakamalaking business organization sa bansa, siniguro rin ni Romualdez na pakikinggan nito ang panig ng mga sektor na maaapektuhan ng ipapasang panukala ng Kamara.

“Majority of the priority measures spelled out by President Marcos in his SONA are principally authored by no less than your House Speaker so I expect my fellow legislators to act on these bills with dispatch. In fact, I am hopeful that we can approve most of these measures before the year ends,” sabi ni Romualdez.

Kasama sa mga panukala na tinutukoy ni Romualdez ang panukalang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act, Valuation Reform Bill, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), E-Government Act, Internet Transaction Act (E-Commerce Law), National Land Use Act, at pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Sinabi ni Romualdez na gagamitin ng Kamara ang Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) na binuo ng Marcos administration upang maging guide sa mga ipapasa nitong panukala.

Noong Agosto 1 ay pinagtibay ng Kamara ang House Concurrent Resolution 2 na nagbibigay ng suporta sa MTFF.

“To my knowledge, this is the first time that our legislators fully committed themselves to a medium-term fiscal plan that will serve as anchor for the annual spending and financing plan of the national government. This— the Medium-Term Fiscal Framework— will serve as our guide in preparing the annual budget for the next six years,” sabi ni Romualdez.

Layunin ng MTFF na mapatatag ang ekonomiya upang makalikha ng mga bagong trabaho at mapaganda ang serbisyo ng gobyerno sa publiko.

“We, in the House of Representatives, not only support the MTFF. We are also aligning Congressional initiatives with the economic recovery programs of the National Government,” dagdag pa ng lider ng Mababang Kapulungan.