Kamara1

Kamara bukas sa pakikipagdayalogo sa Senado kaugnay sa RBH6 —Dalipe

136 Views

BUKAS ang liderato ng Kamara de Representantes, na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na makipagdayalogo sa Senado upang masolusyunan ang bangayan sa pagitan ng mga kongresista at senador kaugnay sa panukalang amyendahan ang 37-taong Konstitusyon.

Ngunit ayon kay House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, kailangan huminto na ang mga senador sa pag-atake sa integridad ng mga miyembro ng Kamara lalo na sa kanilang lider na si Speaker Romualdez, dahil sa hindi ito katanggap-tanggap at maituturing na unparliamentary.

“Lagi naman kaming sinasabihan ng aming Speaker na bukas ang House leadership sa anumang dialogue sa mga kasama natin sa Senado. We consider them as partners in nation-building,” sabi ni Dalipe sa isang press conference.

“Kailangan naming tumayo bilang isang kapulungan para ipagtanggol ang aming dignidad at sinisira dahil lamang sa mga maling akusasyon ng ilang mga senador sa People’s Initiative,” dagdag pa ni Dalipe. “We are shocked sa ginagawa nila sa amin.”

Dismayado rin si Bataan Rep. Geraldine Roman sa hakbang ng mga senador na hindi lang ang House Speaker and inaatake ngunit ang buong institusyon ng House of Representatives.

“We are just going about our duties as congressmen and congresswomen and we have always viewed them as partners. And all of a sudden, magkakaroon ng Senate inquiry – okay karapatan ninyo ‘yan – pero ‘yung ganun bababuyin ang aming lider sino ba kami na hindi magre-react,” diin ni Roman.

“Sa totoo lang, this rift should not have existed in the first place had they (senators) exercised some form or some minimum amount of empathy. Kelan sa kasaysayan ng Kongreso na ang isang chamber mag-oorganize ng isang inquiry tapos ang matatarget ‘yung lider ng isang chamber?” dagdag

Ganito rin ang sentimiyento ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

“Sa mga senador, kung puwede po tigilan na itong personal na paninira sa aming Speaker. Ayaw na po naming lumalim ito. Ayaw na po naming lumalim ang usaping ito. Tigilan na po ninyo ang paninira, ang mga pangit pakinggan na hindi puwedeng gayahin ng susunod na henerasyon,” sabi ni Gonzales.

“Kaya sa inyong lahat, magtrabaho po tayo ng maayos. Marami po tayong problema and as I have said, ayaw na po naming lumalim ito. Tigilan na po ninyo ang paninira sa aming Speaker. Salamat po,” sabi pa niya.

Deliberasyon ng RBH no. 6

Ibinahagi ni Dalipe na ikinalugod ni Speaker Romualdez ang pagsisimula ng pagtalakay ng Senado sa Resolution of Both Houses No. 6 na layong amyendahan ang mahigpit na economic provisions ng Konstitusyon, ngunit nakababahala aniya na walang katiyakan ang oras para aprubahan ang panukala.

“Natutuwa po kami sa pagsimula ng deliberasyon ng RBH 6. Sa kasaysayan ng Pilipinas, mula noong 1987, ngayon lamang umupo uli ang Senado para bisitahin ang mga probisyon nito (Konstitusyon),” wika ni Dalipe.

“(Pero) si Senate President (Zubiri), ang sinabi niya mismo, (siya ang) nagtakda ng deadline sa presscon niya na ginawa nung January 15, ang araw na nag-file siya ng RBH No. 6,” sabi ni Dalipe na tinutukoy ang pangako ni Zubiri kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tapusin ang panukala sa unangq quarter ng taon.

Nagkaisa ang miyembro ng Kamara de Representantes upang ipakita ang suporta kay Speaker Romualdez sa pamamagitan ng pagpasa sa House Resolution 1562 o “Expressing Unwavering Solidarity and Support to the Leadership of the Honorable Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, and Upholding the Integrity and Honor of the House of Representatives in the Face of Intense Assault from the Senate in Violation of the Principle of Interparliamentary Courtesy and Undue Interference in the Performance of its Legislative and Constituent Functions.”

“Hindi namin gusto ang word war … inilabas lang ng mga congressmen ang kanilang saloobin nangyaring pag-atake sa aming Speaker at sa aming institusyon,” paglalahad ni Dalipe.

“Sa aming all-member caucus na ginawa last week, grabe talaga ang galit na inilabas ng mga kasama namin mga congressmen. Galit sila sa pamabastos na ginawa ng ilang senador sa aming Speaker at sa House of Representatives sa mga session nila at hearing kaugnay sa People’s Initiative,” sabi pa niya.

“We in the leadership need to temper the situation all the time. Kaya ang napagkasunduan po namin ay gumawa at maglabas ng isang House Resolution para ilabas ang collective sentiment bilang isang kapulungan,” saad pa nito.

Punto naman ni Roman na kung mabaliktad ang sitwasyon ay tiyak na makakaramdam din ng galit ang mga senador dahil sa kanilang mga aksyon.

“Bakit di natin baliktarin ang sitwasyon. What if we organize a congressional inquiry tapos ang idadawit natin si SP Migz Zubiri? But of course, we take the higher moral ground and we will never do that. That’s unthinkable,” tinuran ni Roman.

“Tapos sasabayan mo pa ng mga insinuation that we engage in illicit and illegal activity. Ano ba yan, kayo na lang ang tama at kami mali? Kayo na lang ang nagmamahal sa bansa at kami hindi? Kayo lang ang defenders of the Constitution at kami gusto naming babuyin ang Constitution? Self-righteous, much?” sabi niya.