Lider

Kamara di uurong kay VP Sara sa paghahanap ng katotohanan

60 Views

TINULIGSA ng mga lider ng Kamara de Representantes si Vice President Sara Duterte sa kanyang paratang na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa kanilang pansariling interes at pondo para sa eleksyon.

Ayon kina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Joel Chua, at House Quad Comm Lead Chair Robert Ace Barbers ang mga pahayag ni Duterte ay malinaw na isang panlilinlang upang siya ay makaiwas sa pananagutan sa ginawang paggatos ng P612.5 milyong confidential funds.

Sinabi ng mga mambabatas na ang pahayag ni Duterte ay isang insulto sa Kongreso at sa sambayanang Pilipino, lalo’t at ang nais lamang ng mga mambabatas ay malaman ang buong katotohanan kung saan ginastos ang multi-milyong pisong pondo na nagmula sa buwis ng mamamayan.

Iginiit ni Dalipe na ang mga akusasyon ni Duterte ay walang basehan at hindi nararapat para sa isang pampublikong opisyal at ipinunto na ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Kamara ay kasama sa kanilang tungkulin upang mapanagot ang mga umaabusong opisyal ng gobyerno.

“This isn’t about elections, fundraising, or petty politics,” ayon kay Dalipe. “It’s about where the millions if not billions of pesos in taxpayers’ money went. Instead of explaining, the Vice President resorts to profanity and baseless accusations. These tantrums won’t hide the truth.”

Idinagdag pa ng mambabatas mula sa Zamboanga City na ang paulit-ulit na pagtanggi ni Duterte na makipagtulungan ay lalong nagpapalalim ng pagdududa ng publiko na itinatago nito kung saan ginastos ang pondo ng bayan.

“She can lash out all she wants, but the question remains: Where did the money go? Until she answers that, her expletives are just noise meant to distract from her glaring lack of transparency,” saad ni Dalipe.

Naniniwala si Chua, na siyang pangunahing target ng mga atake ni Duterte, na layunin ng Bise Presidente sa kanyang mga pahayag ang sindakin ang mga mambabatas upang manahimik.

“The Vice President’s foul language cannot cover up her foul record. Her decision to hurl insults instead of providing answers reeks of desperation. Profanity won’t erase the stench of corruption,” ayon kay Chua.

Itinanggi ni Chua ang mga pahayag ni Duterte na may mga off-camera na paghingi ng tawad mula sa mga mambabatas, at tinawag itong “puro kathang-isip.”

“Let me be clear: No one in the House apologized to her, nor do we need to. If she truly has evidence, let her bring it forward. Otherwise, it’s just another pathetic attempt to discredit a legitimate investigation,” dagdag ni Chua.

Sinabi naman ni Barbers, isa sa pinuno ng Quad Committee, kung saan isa sa iniimbestigahan ang extrajudicial killings na iniuugnay sa drug war ng administrasyong Duterte, na ang alegasyon ni VP Sara ay isang taktika upang hadlangan ang imbestigasyon at ilihis ang atensyon mula sa mga natuklasan iregularidad laban sa kanya.

“One of the campaign promise of the UNITEAM is to institute reforms in government and its systems in order to ensure transparency and accountability for any malfeasance committed in office whoever and whatever position you hold..all this investigations are necessary as a prelude to legislating reforms and guaranteeing accountability of public officers including members of Congress,” giit ni Barbers.

“Instead of facing the music, the Vice President has chosen to hide behind lies, theatrics, and name-calling. This is not the behavior of a leader—it’s the behavior of someone desperately dodging accountability,” ayon kay Barbers.

Pinabulaanan din ni Barbers ang pahayag ni Duterte na ang mga pagdinig ay dahil sa pulitika.

“This isn’t about 2028 or her presidential ambitions. It’s about ensuring that every peso of taxpayer money is used properly. If she can’t answer simple questions about how confidential funds were spent, the public has every right to question her integrity,” ayon pa kay Barbers.

Tiniyak din ng mga pinuno ng Kamara na magpapatuloy ang imbestigasyon sa kabila ng mga pagtatangkang ni Duterte na siraan ang proseso.

“She can scream, curse, and cry foul all she wants, but at the end of the day, the Filipino people deserve answers. If the Vice President cannot lead by example, she has no right to cry victim when held accountable,” saad ni Chua.

Sinabi naman ni Dalipe, “Public office is a public trust. If the Vice President refuses to uphold that principle, she is unfit for her position.”

Nanindigan si Barbers na hindi uurong ang Kamara. “This is not about her or her ambitions. It’s about the truth—and no amount of noise from the Vice President will stop us from uncovering it,” giit pa ng mambabatas.