Martin

Kamara ikinalugod pagpapalaya ng Hamas sa bihag na Pilipino

Mar Rodriguez Nov 25, 2023
168 Views

IKINALUGOD ng Kamara de Representantes ang balita na pinalaya ng grupong Hamas ang bihag nitong Pilipino na si Gelienor “Jimmy” Pacheco.

“Jimmy’s liberation, as part of the initial group of 24 freed hostages, ignites our hopes for the prompt discovery of the whereabouts of another missing national, Noralyn Babadilla,” ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ang natatanging pangyayaring ito, ayon sa lider ng Kamara ay patunay ng pagsusumikap ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Department of Foreign Affairs (DFA), at Philippine Foreign Service na mapangalagaan ang bawat Pilipino sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.

Nagpasalamat din ang lider ng mahigit 300 kongresista sa gobyerno ng Qatar sa kanilang mahalagang papel na ginampanan upang makalaya si Pacheco.

“Echoing the Philippine Foreign Service’s commitment during this distressing period, we, in the House and the national government, vow to persistently engage with international partners and leverage our Middle Eastern assets until every Filipino is safe from the region’s turmoil,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.