Calendar
Kamara inaprubahan benepisyo ng retiradong judiciary officials
Inaprubahan ng mga kongresista sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para maging standard at mapalawig ang benepisyo ng mga retiradong mahistrado at iba pang opisyal ng hudikatura.
Aamyendahan ng House Bill (HB) No. 8392 ang Republic Act (RA) No. 910, ang batas na pinagtibay noong Hunyo 1953 na siyang may saklaw sa panuntunan sa pagreretiro ng mga hukom ng Supreme Court at Court of Appeals justices, na kalaunan ay inamyendahan noong 2010 ng Republic Act 9946, para sa dagdag na retirement, survivorship at ipa bang benepisyo para sa kanila.
Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na siyang pinuno ng 312 miyembro ng Mababang Kapulungan, na ang panukalang pagbibigay ng nararapat na benepisyo sa mga hukom at hurado ay pagkilala sa kanilang mahalagang papel.
Ilan sa pangunahing may-akda ng panukala sina Reps. Rufus Rodriguez, Juliet Marie de Leon Ferrer, Zaldy Co, Stella Luz Quimbo, Raymond Democrito Mendoza, Marcelino Libanan, Janette Garin, Wilter Palma, Toby Tiangco, Antonio “Tonypet” Albano, Alfred Delos Santos, Sandro Gonzalez, PM Vargas, Salvador Pleyto, LRay Villafuerte, Manuel Dalipe, at Jurdin Jesus Romualdez.
“All pension benefits of retired members of the judiciary and judiciary officials with judicial rank, salary and privileges shall be automatically increased whenever there is an increase in the salary and allowances of the same position from which they retired,” sabi ng panukala.
Sakop din ng HB 8392 para makatanggap ng naturang mga beneipisyo ang mga nagretiro bago maisabatas ang panukala na sapilitang pinagretiro sa edad na 65 anyos, ngunit lahat ng benepisyo na ibibigay ay para prospective at walang retroactive effect.
Pagsapit ng 70 anyos ay obligado nang magretiro ang mga justices at hukom.