Calendar
Kamara kinilala ambag sa PH nina Del Rosario, Padilla
PINAGTIBAY ng Kamara de Representantes ang magkahiwalay na resolusyon na layong ipaabot ang pakikidalamhati sa pamilya nina dating Foreign Affairs Sec. Alberto del Rosario at Nueva Viscaya Gov. Carlos Padilla.
Sa ilalim ng House Resolution 928 at 949, ay kinilala ng House of Representatives ang hindi matatawarang paglilingkod sa bayan nina Del Rosario at Padilla.
“The passing of Sec. Del Rosario and Gov. Padilla, also a former minority leader in the House of Representatives, are a great loss to our country. Their contributions to the betterment of our country and their legacy in public service will never be forgotten,” saad ni House Speaker Martin Romualdez, isa sa pangunahing may akda ng resolusyon.
April 18 nang pumanaw si Del Rosario sa edad na 83.
Nagsilbi si Del Rosario bilang Philippine Ambassador to the US noong Arroyo Administration at DFA Secretary noong Aquino administration.
Pinakamahalagang naging ambag ng dating kalihin ay nang iakyat at maipanalo nito ang makasaysayang arbitral ruling laban sa China.
“… he will forever be remembered as one of the courageous leaders who exuded firm and dignified diplomacy in defending the national interest of the whole Filipino nation. During his tenure as Secretary of Foreign Affairs, Honorable del Rosario spearheaded the filing of a landmark Philippine government arbitration case that challenged the validity of China’s sprawling territorial claims in the West Philippine Sea under the United Nations Convention on the Law of the Sea,” saad sa HR 928
Kinilala naman ng Kamara ang dedikasyon ni Gov. Padilla na maitaas asng socio-economic status hindi lang ng mga Novo Vizcayanons ngunit ng mga Pilipino sa kaniyang higit apat na dekadang public service.
“Recognized for his exemplary performance, diligence and integrity, Honorable Padilla received various awards such as the ‘Most Outstanding Congressman’ during the Eighth, Tenth and Twelfth Congresses from various magazines and national dailies; one of the “Top-Five Congressmen” during the Twelfth Congress conferred by the Philippine Free Press in 2002,” saad sa HR 949.
Isang “requiem mass” ang idaraos para kay Padilla sa Huwebes (May 11), sa Plenary Hall ng Batasan Complex at susundan ng “necrological service.”