Martin2

Kamara nag aalok ng P5 million reward para madakip ang mga pumaslang kay percy lapid

Mar Rodriguez Oct 10, 2022
142 Views

Kamara: P5M pabuya para madakip pumaslang kay Percy Lapi

NAG-AALOK ang liderato ng Kamara de Representantes ng P5 million reward para sa sinomang makakapagbigay ng impormasyon at makakapagturo upang madakip sa lalong madaling panahon ang mga taong responsable sa pagpatay sa veteran broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid.

Ito ang inihayag ngayon ni House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez na upang makatulong ang Kongreso sa ginagawang pagtugis ng Philippine National Police (PNP) sa mga taong responsable sa walang habas na pagpatay kay Lapid. Nag-aalok aniya ang kongreso ng “bounty” para sa agarang ikadadakip ng mga salarin.

Sinabi ni Speaker Romualdez na P5 million bounty ay mula sa personal contributions ng mga kongresista na labis na nabigla at nagimbal sa walang pakundangang pagpaslang kay Lapid.

‘We in the House view with concern the killing of Percy Mabasa. The perpetrators and masterminds behind this dastardly act must be brought to justice at all cost,” sabi ng House Speaker.

Binatikos din Romualdez ang ilang sector at puwersa na gumagawa ng karahasan sa mga meiyembro ng media gayong ginagawa lamang nila aniya ang kanilang trabaho bilang mamamahayag.

“The role of journalist is very critical in ensuring transparency in government. Protecting them is very important in guaranteeing freedom of speech and freedom of expression, we in government consider them as partners in nation building,” dagdag pa ni Romualdez.