Paduano Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano

Kamara naghahanap ng katotohanan, di namumulitika sa pag-iimbestiga sa droga

Mar Rodriguez Aug 19, 2024
110 Views

ANG paghahanap ng katotohanan at hindi politika ang nasa likod ng imbestigasyon ng Kamara de Representantes tungkol sa kaugnayan ng iligal na operasyon ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO), importasyon ng shabu, at extrajudicial killings sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ginawa ng mga lider ng quad committee ang pahayag matapos na sabihin ni Vice President Sara Duterte na politika ang nasa likod ng imbestigasyon, matapos sabihin ng isang dating Customs intelligence officer na sangkot ang mister ni VP Duterte na si Manases “Mans” Carpio, kapatid nitong si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte at si Michael Yang, ang dating adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagpapasok sa bansa ng shabu.

“We are committed to finding the truth based on evidence, not politics,” sabi ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano, ang chairman ng Committee on public accounts, isa sa apat na komite na bumubuo sa quad committee.

“If the Dutertes have nothing to hide, they have nothing to fear from our investigation,” saad pa ni Paduano.

Dagdag pa nito, “Our investigation is thorough and impartial. We follow the facts wherever they lead, and we won’t allow any distractions to derail our efforts.”

Ayon kay Paduano, ang paghahanap ng katotohanan at hustisya ang tanging agenda sa isinasagawang imbestigasyon ng Kamara.

Sa halip na gumamit ng palusot, sinabi ni Paduano na makabubuti na sagutin na lamang ng mga Duterte ang alegasyon.

Sinabi naman ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, chairman ng Committee on public order and safety, na ang tinatakbo ng imbestigasyon ay batay sa mga lumalabas na ebidensya.

“If there’s nothing to hide, there’s no need to worry,” ani Fernandez. “Our mandate is clear: to uphold the law and ensure that justice is served. We will not be swayed by claims of harassment when the focus should be on the facts.”

Ganito rin ang sinabi ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House committee on dangerous drugs.

“Political harassment has no place here; we are just doing our job,” sabi ni Barbers, ang itinalaga upang pangunahan ang imbestigasyon ng quad committee.

“The truth is paramount. We are not here to play politics, but to uphold the principles of justice and accountability,” giit pa ni Barbers.

Binigyan-diin naman ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., chairman ng Committee on human rights, ang kahalagahan ng pagsunod sa batas.

“We won’t be deterred by claims of harassment,” punto ni Abante.“Our responsibility is to the Filipino people. We will continue our work without fear or favor, ensuring that the law is applied equally to all.”

Para naman kay Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop, vice chairman ng apat na komite, “We’re here to uncover the truth, not to play political games— if there’s nothing to hide, there’s nothing to fear.”

“Our focus is on serving the people by ensuring transparency and justice. We will not be distracted by unfounded claims or political maneuvering,” sabi pa ni Acop.

Sa unang imbestigasyon ng quad committee, iniugnay ni dating Customs intelligence officer Jimmy Guban sina Rep. Duterte, Carpio at Yang sa smuggling ng P11 bilyong halaga ng shabu na itinago sa magnetic lifter at ipinasok sa Manila International Container Port noong 2018.