Kamara nakiramay sa mga naulila ng bagyong Paeng

249 Views

PINAGTIBAY ng Kamara de Representantes ang resolusyon na nagpapahayag ng lubos na pakikidalamhati sa mga naulila ng bagyong Paeng.

“The House of Representatives commiserates with and offers its collective effort and initiatives to comfort and help the bereaved families who are left behind so they can move on with their lives and start anew,” sabi sa House Resolution (HR) No. 505 na pinagtibay sa sesyon noong Lunes, Nobyembre 7.

Hinamon din ng Kamara ang mga miyembro nito na tumindig at harapin ang hamon na tumulong sa mga nasalanta at tulungang makabangon ang mga ito.

“The numerous loss of lives, the extensive damage to government infrastructure and private properties, and the adverse impact caused by Severe Tropical Storm Paeng to the livelihood of the people who are still reeling from the vestiges of the COVID-19 pandemic, call for immediate assistance from the government and the private sector to support the recovery and rehabilitation of the affected areas and people,” saad pa sa resolusyon.

Ang resolusyon ay inihain nina Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan, senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos, Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre.

Nanalasa ang bagyong Paeng mula Oktobre 26 hanggang 29 na nagbuhos ng ulan na nagpalubog sa maraming lugar at nagdulot ng landslide na ikinasawi ng maraming tao.

Sa pagtataya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ay mahigit 150 ang nasawi sa pananalasa ng naturang bagyo.