House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada

Kamara nakisimpatya sa mga biktima ng bagyo, simple gagawing pagdiriwang ng Pasko

Mar Rodriguez Nov 19, 2024
54 Views

ISANG simpleng pagdiriwang ang isasagawa ng Kamara de Representantes sa pagdiriwang ng Pasko bilang pakikiisa sa mga nasalanta ng bagyo at pakikibahagi sa panawagan ng Office of the Executive Secretary (OES) sa mga ahensya ng gobyerno na iwasan ang marangyang Christmas party.

Ito ang sinabi ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada sa isang press briefing sa Kamara de Representantes noong Martes.

“Of course we will sympathize sa lahat ng naapektuhan ng recent calamities. In fact, nung November 30, supposedly, may HRep Month tayong celebration. It’s a big gathering supposedly, pero the administration and the leadership of the House and per the appeal of the Speaker, Martin Romualdez, ay kinancel po natin lahat ng mga activities na ‘yon,” sabi ni Gabonada.

Ang bahagi umano ng alokasyon para sa mga aktibidad ay ilalagay sa relief effort ng Kamara, ayon kay Gabonada.

“All the financial cash na available ng activity na ‘yon ay dinonate at binili ng mga relief goods para maibigay doon sa mga lugar na nasalanta ng bagyo,” sabi pa nito.

Ganito rin ang naging sentimyento ni Manila Rep. Joel Chua na nagsabing gagawin ding simple ang pagdiriwang sa kanyang distrito.

“In fact, siguro I would encourage lahat ng mga Congressman pati sa kanilang mga district to do the same, para at least medyo, lalong-lalo na iyung mga distrito na hindi naman nakaranas, para at least to sympathize din naman with the other districts na dumadaan ngayon sa mga pagsubok,” sabi ni Chua.

Iginiit rin ng kongresista ang kahalagahan ng pagiging simple ng pagdiriwang upang mapanatili ang tunay na kahulugan ng Pasko.

“Okay lang naman na mag-celebrate kahit na simple dahil siyempre lahat naman din ito, we have to always remember iyung birth ng ating Panginoon and at the same time iyun na rin iyung way natin para makapag-pasalamat sa Diyos,” saad pa nito.

Ayon naman kay House Assistant Majority Leader at Taguig City Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora palaging simple ang Christmas party sa Kamara.

“Ever since naman mula nung nakaupo ako, never naman talaga kami nagkaroon ng magarbong selebrasyon dito, kahit Christmas party. We always just gather here in the House,” saad pa nito.

“We never really like, never kami lumabas, dito lang sa House, kumakain lang kami. So, it’s always been simple and we assure you that it will be even simpler. Kung pwedeng ‘wag na kaming kumain, go! Gagawin namin,” wika pa niya.

Sinabi ni Gabonada na ang simpleng pagdiriwang ng Pasko ay pakikiisa ng Kamara sa mga nasalanta.

“We are one with the nation to really call for just a simple celebration and to be one with our constituents in various districts, lalo na yung mga Congs natin na lubhang naapektuhan nitong mga bagyo,” wika pa ni Gabonada.