Martin1

Kamara, oil firms target win-win solution sa pagtaas ng presyo ng petroleum products

Mar Rodriguez Sep 17, 2023
266 Views

WIN-WIN solution ang target na mahanap sa gagawing pagpupulong ng mga opisyal ng Kamara de Representantes at oil companies kaugnay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

“We will try to find a win-win solution for our people and, of course, those in the oil industry,” ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, isang araw bago ang nakatakdang pagpupulong sa pagitan ng mga opisyal ng malalaking kompanya ng langis sa bansa at miyembro ng House Committee on Energy.

Itinakda ang pagpupulong alas-3 ng hapon sa Batasang Pambansa Complex sa lungsod ng Quezon.

“No one is spared from the ill effects of the high cost of living due to oil price hikes. Everyone is struggling. But this is beyond anyone’s control. If the price of crude oil in the world market increases, so do prices in the rest of the world,” sabi ni Romualdez na siyang lider ng 311 mambabatas ng Kamara de Representantes.

“But we want to sit down with these oil companies and discuss ways or suggestions on how we can alleviate the hardships of our fellow countrymen due to the constant rise in petroleum prices, and find common ground in areas that are within our control,” dagdag nito.

Inimbita sa consultative meeting ang lider ng House Committee on Energy, mga opisyal ng Department of Energy sa pangunguna ni Undersecretary Sharon Garin, at mga kinatawan ng mga kompanya ng langis na sina Mia Delos Reyes ng Petron Corporation, Timothy James Laurel ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., Tanya Samillano at Romina Antonio ng Independent Philippine Petroleum Companies Association (IPPCA), at mga kinatawan mula Chevron Philippines, Inc., Philippine Institute of Petroleum (PIP), Flying V, at Total Philippines Corp.

Naniniwala ang pinuno ng Mababang Kapulungan na manggagaling ang hinahanap na solusyon sa mga stakeholders sa industriya ng langis.

“On our part in the government, we can compromise … perhaps what we can initially offer is a possible review of excise tax or value-added tax on oil and petroleum products. This is a good place to start,” punto ni Speaker Romualdez

“Also, one possibility to look at is suspending the collection of excise taxes or VAT on oil and petroleum products, depending on the Palace’s plan after hearing our report of the result of this meeting,” sabi pa nito.

Samantala, may plano rin si Speaker Romualdez na makipagdayalogo sa mga manufacturer ng canned goods at basic foods gayundin sa mga supermarket association, bunsod ng planong pagtataas ng mga ito sa presyo ng kanilang paninda dulot ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

“We will attempt to convince them to at least postpone their plans, if there are any, until after Christmas in the spirit of the Yuletide season. Masyadong mabigat sa bulsa ang sabay-sabay na pagtaas ng mga bilihin kasabay ng pagtaas ng presyo ng krudo,” ani Romualdez

“Nauunawaan naman namin na maging sila ay apektado. But we will appeal to their sense of compassion and ask them if they can find a way to manage until Christmas,” saad pa ng lider ng Kamara.

Sinabi ni Speaker Romualdez na mayroong mga hakbang na ginagawa ang pamahalaan upang maibsan ang sitwasyon sa bansa subalit ang kinakaharap na hamon ay pandaigdigang krisis.

“That’s why various agencies are ready to provide assistance because the government also feels the people’s predicaments,” saad ng kinatawan ng Leyte.