Kamara, pinagtibay ang panukala para sa pagbabawal sa chemical weapons sa bansa

Mar Rodriguez Jan 24, 2024
95 Views

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na maglalatag ng polisiya para sa pagbabawal ng chemical weapons upang protektahan ang publiko at kapaligiran bilang pag talima na rin ng Pilipinas sa pangako nito sa Chemical Weapons Convention.

Sa botong 197 pabor, inaprubahan ng Kapulungan ang House Bill (HB) No. 9571, na magbabawal sa pagbuo, produksyon, pagbili, pagiimbak o pagtatago ng anomang uri ng chemical weapon.

“The bill designates the Anti-Terrorism Council (ATC) as the Philippine National Authority on the Chemical Weapons Convention (PNA-CWC), to be headed by the Executive Secretary,” sabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

“The bill also lists the responsibilities of the PNA-CWC including the development of policies concerning the production, processing, consumption, importation, exportation, use and proper disposition of scheduled chemicals and facilities, and production facilities of other chemicals not listed in Schedules 1 to 3 of the Annex on Chemicals to the Convention to which the Philippines is a signatory.”

“This proposed bill essentially serves as the enabling law required to fulfill our obligations under the Convention,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Kasama rin sa ipagbabawal sa ilalim ng HB 9571 ang: paglilipat ng sa isang indibidwal, tuwiran man o hindi; paggamit ng chemical weapons; anomang paghahanda ng military sa paggamit ng chemical weapon; tumulong, isulong o pilitin ang isang indibidwal na gumawa ng hakbang na ipinagbabawal sa Convention; paggamit ng riot control agent bilang warfare; paglabag ng State Party ng iba pang ipinagbabawal na aktibidad salig sa Convention; at ang pag-luluwas o pag-aangkat isang State Party ng Schedule 1 chemicals mula o papunta sa estado na hindi kabilang sa Convention, kabilang na nag pagdaan sa naturang estado.

Nakapaloob sa panukala ang pagpapataw ng parusang kriminal at adminsitratibo sa mga paglabag ng opisyal ng partnerships, korporasyon, asosasyon at iba pang juridical entities; opisyal at empleyado ng gobyerno at mga dayuhan.

Sa ilalim din ng panukala, ano mang kinita mula sa makukumpiskang chemical weapon ay babawiin pabor sa pamahalaan at ang gastos para sa pagsira o pagtatapon nito ay sasagutin ng indibidwal o entity na lalabag.

Taong 1993 nang lumagda ang Pilipinas sa naturang Convention at niratipikahan noong 1996.

Layon nito na tuluyang mabura ang lahat ng ‘weapons of mass destruction’ at inaatasan ang State Parties na gumawa ng hakbang para bawalan ang mga indibidwal (natural or legal) sa kanilang nasasakupan batay na rin sa nakasaad sa Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW). Ang OPCW, na mayroong 193 Member States, ang tagapagpatupad ng Convention, na naging epektibo noong April 29, 1997.

Kasama sa mga mambabatas na may-akda ng panukala sina Reps. Jorge “PATROL” Bustos, Dan S. Fernandez, Romeo M. Acop, Reynante U. Arrogancia, Ruwel Peter Gonzaga, Bambi B. Emano, Keith Micah D.L. Tan, Edvic B. Yap, Emerson D. Pascual, Ferjenel G. Biron, Celso G. Regencia, Bonifacio L. Bosita, Joseph Stephen S. Paduano, Virgilio S. Lacson, Eddiebong G. Plaza, Brian Raymund S. Yamsuan, Loreto B. Acharon, Francisco Paolo P. Ortega V, Salvador A. Pleyto, at Ron P. Salo.