Calendar
Kamara pinagtibay reso na nagpapahayag ng suporta kay PBBM, Speaker Romualdez
PINAGTIBAY ng Kamara de Representantes ang isang resolusyon na nagpapahayag ng suporta kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na nagpapatuloy umano sa pagtatrabaho sa kabila ng panggugulo.
Sina Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang tumayong sponsor ng House Resolution (HR) No. 2092 na may titulong “Expressing the unwavering and unqualified support and solidarity of the House of Representatives to the leadership of His Excellency, President Ferdinand R. Marcos Jr., and the Honorable Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez in the face of serious and dangerous remarks and defiant acts that threaten the very foundation of democratic governance, rule of law, and public trust and integrity of government institutions.”
Ang iba pang may-akda ng panukala ay sina House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan at Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ng Tingog Party-list.
Sumuporta naman sa resolusyon ang mga kongresista mula sa iba’t ibang partido politikal, kasama sina Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ng Quezon na mula sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD); Rep. Albert S. Garcia (2nd District, Bataan) ng National Unity Party (NUP); Rep. Mark Enverga (1st District, Quezon) ng Nationalist People’s Coalition (NPC); Rep. Robert Ace Barbers (2nd District, Surigao del Norte) mula sa Nacionalista Party (NP); Rep. Rosanna Ria Vergara (3rd District, Nueva Ecija) mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP); Rep. Erwin Tulfo ng ACT-CIS Party-list mula sa Party-List Coalition Foundation (PCFI); Deputy Majority Leader Rep. Jam Baronda (Lone District, Iloilo City) ng Lakas-CMD; Rep. Toby Tiangco (Lone District, Navotas City) ng Partido Navoteño; at Rep. Gabriel Bordado (3rd District, Camarines Sur) mula sa Liberal Party (LP).
“The importance of this resolution cannot be overstated. As members of this honorable and highly esteemed institution, it is our responsibility to uphold the dignity, honor and integrity of the House of Representatives,” sabi ni Gonzales.
“In doing so, we must also express our collective solidarity with out leaders who stand at the forefront of defending our democratic institutions and the rule of law,” dagdag pa nito.
Nagbigay ng hiwalay na sponsorship speech si Dalipe kung saan tinuligsa nito ang pagbabanta kay Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos at Speaker Romualdez.
Sinabi ni Gonzales na nagpapatuloy ang pamumuno ni Pangulong Marcos upang madala ang bansa patungo sa pag-unlad at katatagan.
“His vision for a strong and united Philippines is evident in his administration’s achievements. It is our duty as legislators to rally behind our President in defending the interests of the Filipino people and safeguarding the future of our democratic institutions,” sabi nito.
Sinabi ni Gonzales na ang pagbabanta ay hindi lamang laban sa Kamara kundi banat sa seguridad ng bansa at tiwala ng publiko sa gobyerno.
“These include actions that defy protocols, undermine accountability, and most alarmingly, threats to the very lives of our leaders—His Excellency, President Ferdinand R. Marcos Jr., the First Lady, Mrs. Liza Araneta Marcos, and our beloved Speaker, Ferdinand Martin G. Romualdez,” ani Gonzales ng hindi pinapangalanan si Vice President Sara Duterte na siyang nagpahayag ng banta.
Sinabi ng solon na nagpakita si Speaker Romualdez ng natatanging pamumuno at ipinagtanggol ang institusyon sa sinumang nagpapahina rito.
“His swift and decisive response to these serious threats is a testament to his commitment to upholding the principles of democratic governance and the rule of law,” sabi nito.
Sa ilalim umano ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay nagkaisa ang mga miyembro ng Kamara at epektibong nagampanan ang tungkulin nito.
“We have passed crucial legislations that support the priorities of the administration and address the needs of our constituents. These successes show that, with a stalwart like Speaker Romualdez, this institution can withstand any obstacle and remain a pillar of democracy,” wika pa ni Gonzales.
Para naman kay Dalipe, ang Kamara ay nananatiling cornerstone ng demokrasya ng bansa.
“As we carry out our mandate and stand to uphold the Constitution of the Republic of the Philippines, we operate on established rules and procedures to ensure transparency, accountability, and order within our walls—and beyond,” sabi ni Dalipe.
“I take this opportunity to reiterate that this august chamber must be accorded the honor and dignity befitting its status as the House of the People. To disrespect this chamber is to disrespect the people that we represent. No public official, regardless of rank or position, should consider itself above and beyond the 100-million strong Filipino people by obstructing the lawful proceedings and orders of the House,” dagdag pa nito.
Ayon kay Dalipe, ang hindi pagsunod sa protocol, ang mga masasamang salitang binitiwan, at ang pagbabanta sa mga lider ng bansa ay isang pambabastos sa batas at sa demokratikong institusyon.
“I believe that we can do better. We must remember that our actions set the tone of public governance in the country. I applaud President Marcos and Speaker Romualdez for their patience, restraint, and ability to rise above the fray by blocking out the external noise and focusing on the work that needs to be done. I urge all of us to follow their example,” sabi ni Dalipe.
Hinimok ni Dalipe ang kanyang mga kapwa mambabatas na ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa kabila ng mga kinakaharap na hamon at magsama-sama upang maabot ang kanilang mga layunin.