Villanueva

Kamara pinagtibay resolusyon ng pagbati sa JIL

163 Views

PINAGTIBAY ng Kamara de Representantes ang resolusyon na kumikilala at bumabati sa Jesus Is Lord (JIL) Church Worldwide na nagdiriwang ng kanilang ika-44 founding anniversary.

Kinikilala ng House Resolution 420 ang mga naging kontribusyon sa lipunan ng JIL na itinago ng evangelist at Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) party-list Rep. Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva.

Four decades on, the JIL Church Worldwide stays committed to fulfilling its apostolic and prophetic mission in the country … This year’s anniversary theme, ‘Arise and Build,’ encourages the members of JIL Church Worldwide to contribute to the creation of a resilient and progressive nation by spreading hope and positivity in the midst of crises and suffering,” sabi sa resolusyon.

Ang HR 420 ay akda nina Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos, Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre.

Isinama sa HR 420 ang HR 397 na akda nina Reps Julienne “Jam” Baronda, Faustino Michael Carlos T. Dy III, Charisse Anne C. Hernandez, Gus Tambunting, Patrick Michael “PM” Vargas at HR 410 na inihain nina Reps. Sandro L. Gonzalez, Edward S. Hagedorn, Joseph Stephen “Caraps” S. Paduano, Rufus Rodriguez, at Carlito Marquez.

Ang JIL ay itinayo ni Villanueva noong Oktobre 29, 1978 at mula sa orihinal na 15 miyembro ay lumaki ito at kumakalat sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“(T)he JIL Church Worldwide launched a massive evangelization campaign aimed at covering all the major cities not only in the Philippines but all over the world, and established chapters in Europe, the United States of America, Canada, Northern Africa, and Asia,” sabi sa resolusyon.

Ngayon ay nasa 5 milyon na ang mga miyembro nito at patuloy na ipinakakalat ang mga mensahe at pagmamahal ng Panginoon.

Ang kopya ng resolusyon ay ibibigay sa JIL.