Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Speaker Romualdez

Kamara tiniyak mabilis na pagdating ng relief goods sa nasalantang komunidad

55 Views

Relief GoodsPINAGTIBAY ng Kamara de Representantes sa huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 10924 o ang “Free Transportation of Relief Goods Act” na nag-aatas na gawing libre ang freight services para sa pagbiyahe ng mga relief goods at donasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Layon ng panukala na resolbahin ang pagkaipit at pagkabalam ng disaster response sa pamamagitan ng pagtiyak na mabilis na makakarating ang mga relief goods sa nasalantang komunidad.

“This legislation creates a vital partnership between government and the private logistics sector, requiring free freight services for relief goods while providing tax incentives to participating carriers,” sabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

“By eliminating transportation costs and streamlining the delivery process, we can ensure that aid reaches disaster victims when they need it most,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Pumabor ang 182 kongresista sa pag-apruba sa HB No. 10924 sa ikatlong pagbasa sa sesyon nitong Martes.

Oras na maging ganap na batas, aatasan ang National and Regional Logistics Cluster na pangungunahan ng Office of Civil Defense (OCD), katuwang ang Department of Transportation (DOTr) kasama ang Philippine Postal Corporation (PPC), freight companies, common carriers, private carriers, freight forwarders, at iba pang kompanya na nagbibigay ng logistic services sa Pilipinas na ilibre ang freight services sa mga rehistradong organisasyon na magbibigay ng relief operations sa mga sinalantang lugar.

Aalisin na rin ang shipping auxiliary costs tulad ng arrastre services, pilotage, at iba pang port charges, pati airport-related fees.

Para naman mahimok ang pribadong sektor na makibahagi, magbibigay ng 100 porsyentong tax deduction mula sa gross income para sa gastusin sa libreng freight services, kasama ang sweldo at allowance ng mga may kinalaman sa pagbiyahe ng relief goods.

Titiyakin naman ng National and Regional Disaster Risk Reduction Management Councils, sa pamamgitan ng kanilang Response Clusters, ang mabilis na pagbiyahe ng tao, kalakal at kagamitan sa mga apektadong lugar at kaukulang ahensya sa pakikipagtulungan sa mga lokal na otoridad, port authorities, at mga organisasyon na may kahalintulad na mandato at responsibilidad.

Kabilang sa pangunahing may akda ng panukala sina Representatives Florida “Rida” Robes, Rosanna “Ria” Vergara, Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr., Harris Christopher Ongchuan, Paolo Duterte, Eric Go Yap, Edvic Yap, Gus Tambunting, Jane Castro, Steve Chiongbian Solon, Noel “Bong” Rivera, Jurdin Jesus Romualdo, Camille Villar, Lani Mercado-Revilla, Eduardo Rama Jr., Joseph Gilbert Violago, Alan Ecleo, Anthony Rolando Golez Jr., Zia Alonto Adiong, Ma. Cynthia Chan, Olga “Ara” Kho, Dante Garcia, Edsel Galeos, Joey Sarte Salceda, Milagros Aquino-Magsaysay, Sergio Dagooc, Rufus Rodriguez, Peter John Calderon, Luisa Lloren Cuaresma, Michael Gorriceta, Rodolfo “Ompong” Ordanes, John Tracy Cagas, Roy Loyola, Midy Cua, at Teodorico Haresco Jr.