Kambal Kinilala ni PBGen.Arnold Thomas Ibay ang mga naarestong suspek. JONJON C. REYES

Kambal, 2 HVI timbog sa druga

Jon-jon Reyes Oct 14, 2025
291 Views

DALAWANG lalaking High Value Individuals (HVI) ang arestado ng mga operatiba ng Bacolod Police at Dumaguete City Police office at nasabat ang may kabuuang P816,000 halaga ng droga sa magkahiwalay na operasyon sa Buri Rd., Brgy. Mandalagan, Bacolod City at Zone 1, Brgy. Looc, Dumaguete City, Negros Oriental.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Edgar, 39, may asawa, construction worker, na nakuhanan ng 70 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P476,000 at isang alyas Roy, 56, binata ng Zone 1, Brgy. Looc, Dumaguete City, nakuhanan ng may 50 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P340,000.

Ang pagka-aresto sa dalawang suspek ay ibinahagi ni Police Brig.General Arnold Thomas Ibay, Regional Director ng Negros Island Region

Sa pamumuno nina PLt.Col. Antonio P Benitez Jr. Chief, CDEU, kasama si PLT Richard O Legada, Asst. Hepe, CDEU, nagsagawa ng buy-bust operation at pagpatupad ng Search Warrant ang mga operatiba ng PIU & PDEU, NOPPO sa pangunguna ni PCapt. Jonah C. Acal ,PDEU Officer sa pangangasiwa ni PLt. Col. Florendo L.Fajardo Chief PIU, sa ilalim ng utos ng PCol. Criscente C. Tiguelono.

Arestado rin ang kambal na lalaki sa buy-bust operation ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR) sa Silay City, Negros Occidental,

Nakilala ang kambal na sina alyas Daryl at Darwin 25, kapwa binata, at residente ng Robsville, Barangay Rizal, Silay City, Negros Occidental;

Pinuri ni PBGen. Ibay ang mga operating unit sa kanilang dedikasyon sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Ang Police Regional Office Negros Island Region ay patuloy na pinaninindigan ang pangako nito sa isang drug-free na Negros Island sa pamamagitan ng sustained intelligence-driven operations, aktibong community collaboration, at masigasig na pagpapatupad ng batas.