Velasco

Kampanya laban sa expired, pekeng ‘8’ plaka ikinasa

Mar Rodriguez Nov 22, 2023
144 Views

NAGKASUNDO ang Kamara de Representantes at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paghuli sa mga sasakyan na gumagamit ng expired o pekeng 8 plaka, ang protocol plate na ginagamit ng mga kongresista.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco nagpulong ang mga opisyal ng Kamara at MMDA kagabi, Nobyembre 21.

“I met with MMDA Acting Chairman Atty. Romando S. Artes, where we discussed that using unauthorized and illegal special plates should not be tolerated as it threatens public safety and undermines the integrity of the vehicle registration system,” ani Velasco.

“The House leadership is committed to upholding the law and ensuring vehicle identification plates’ proper and lawful use,” dagdag pa nito.

Batay sa polisiya ng Kamara, tanging ang mga kasalukuyang kongresista lamang ang dapat gumamit ng plakang 8.

Hiniling ni Velasco sa mga mambabatas na isuko sa kanyang tanggapan ang kanilang mga lumang 8 plate.

Nauna rito, lumabas sa mga ulat na mayroong sasakyan na dumaan sa EDSA Bus lane at sinabi umano ng drayber na ang sasakyan ay pagmamay-ari ng isang kongresista.