Calendar
Kampanya ng pamahalaan vs rice, agri smuggling seryoso
BINIGYANG DIIN ni Cavite 4th Dist. Congressman Elpidio “Pidi” F. Barzaga, Jr. na totohanan at seryoso ang kampanya ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para lansagin at durugin ang mga sindikato na nasa likod ng rice at agricultural smuggling sa bansa.
Sinabi ni Barzaga na ang naging hakbang ng gobyerno laban sa mga taong nasa likod na nangyayaring hoarding ng bigas at produktong agrikultura kabilang ang ginagawa nilang price manipulation ay isang pagpapatunay na talagang seryoso ang Pangulong Marcos, Jr. na wakasan ang naturang problema.
“It only shows that President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. is really bent on going after these agricultural smugglers and hoarders. It proves that the Chief Executive means business,” paliwanag ni Barzaga.
Ang pahayag ng kongresista ay kaugnay sa pagsasampa ng kaso o criminal charges ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa anim na indibiduwal patungkol sa hoarding at price manipulation ng sibuyas na pinaniniwalaan isang seryosong hakbang ng gobyerno para labanan ang cartel.
Ayon kay Barzaga, alinsunod sa naging hakbang o pagkilos ng gobyerno laban sa sindikato ng bigas at agricultural products. Maaari na umanong ipagpalagay na nabibilang na sa daliri ang oras nila dahil hindi sila lulubayan ng gobyerno hanggang hindi sila nalalansag.
“As a matter of fact, the majority of the information was unearthed during the House hearings. This is a long-standing national problem and perhaps, time has finally time for a real campaign against agricultural smuggling and hoarding, a modus which hurts the public tremendously,” ayon pa kay Barzaga.