Ka Buchoy

Kampanya ni Leni Pumapalya?

Ka Buchoy Mar 21, 2022
267 Views

MAY mga naglabasang ulat at opinyon kamakailan kung saan ay iniulat na pumapalya na o di kaya’y nawawalang na ng bwelo ang kampanya ni Leni Robredo.

Ang dahilan? Una ay ang hindi pa rin pag-usad sa mga statistical survey kung saan ay malayong pangalawa si Leni, na bukod pa riyan papalapit na rin sa kaniya si Isko Domagoso. Kahit ipagsama-sama pa ang boto nina Isko, Ping Lacson at Manny Pacquiao ay banderang kapos pa rin si Leni.

Ang pangalawang dahilan? May malaking hinala na si Leni ay ang kandidato sa pagkapangulo na suportado ng mga maka-kaliwa at ng komunistang CPP/NPA/NDF. Hindi mapawi ang hinalang ito dahil hanggang sa ngayon ay wala ni pagtanggi si Leni na hindi niya tatanggapin ang anumang tulong o suporta mula sa mga grupong terorista na ito.

Dahil sa takot na mamayagpag ang mga komunista sa administrasyong Robredo, hindi na raw dumarating ng tulad ng dati ang kontribusyong pinansyal mula sa mga negosyante, bagkus malamang ay ibigay na lang ito sa ibang kandidato na walang bahid ng pagka-komunista.

At higit pang mararamdaman ang kakulangan sa salapi sa mga darating na araw, habang lalong umiinit ang kampanya papalapit ang halalan.

Nawalan din ng kredibilidad ang mga tangka ng grupong Leni na gamitin ang Google Survey at sari-saring social media survey bilang katibayan o pruweba na dumdadami na, sa wakas, ang mga tumatangkilik sa kaniya. Makailang beses itong pinabulaanan at pinasinungalingan ng mga akademiko at dalubhasa sa data science at matematika. Walang kinalaman Ayon sa kanila hindi maaring gamiting batayan ang google survey na bayatan sa magiging resulta ng halalan, hindi tulad ng pinagkakatiwalaan at lehitimong statistical survey tulad ng Publicus, Laylo, SWS at at iba pa.

HIndi rin nakatulong, bagkus ay nakasira pa sa kampanya ni Leni, ang pagiging hambog at matapobre ng kaniyang mga fans at tagapagtaguyod; ang pag-alipusta sa madlang balana tulad ng kasambahay, tsuper, tindero at karaniwang manggagawang hindi nila kapanalig kay Leni bilang “tanga” at “bobo.” Kaya hindi kataka-taka kung bakit walang usad ang popularidad ni Leni sa survey. Dahil mismo ang nakararaming Pilipino ay kanilang inaalipusta at dinudusta.

Ngunit huwag tayong maging kampante. Maging listo at madasalin pa rin tayo. Huwag natin palampasin ang kasinungalingan, fake news at anumang uri ng panlilinlang sa social media. Mag-comment po tayo upang ituwid ang mga ito. Mahalag ang ating tinig!

Hanggang dito na lang uli, mga kabayan, paisano, kasangkayan at kaigsuonan. Amping kanunay!