BBM1

Kampanya vs money laundering, terrorism financing palalakasin

160 Views

UPANG mapalakas ang kampanya laban sa money laundering at terrorism financing ng bansa, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na umisip ng bagong estratehiya.

Sa inilabas na Executive Order No. 33, inatasan ni Pangulong Marcos ang mga ahensya ng gobyerno na makiisa sa implementasyon ng National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing, and Counter Proliferation Financing Strategy (NACS) 2023-2027.

Layunin ng EO na magawa ang mga nakasaad sa International Cooperation Review Group (IGRG) Action Plans at tiyakin na makakaalis na ang Pilipinas sa Grey List ng Financial Action Task Force (FATF) at mapalakas ang paglaban ng bansa sa money laundering, terrorism financing, at counter proliferation financing.

“In accordance with their respective mandates, all departments, agencies, bureaus, and offices of the national government, including government-owned or -controlled corporations (GOCCs) are directed, and all local government units are encouraged, to formulate and implement relevant strategy plans and programs to execute the NACS 2023-2027,” sabi sa EO.

Kapag ang isang bansa ay nasa Grey List, hindi basta pagkakatiwalaan ng ibang bansa ang pumapasok at nanggagaling ditong pera.

Binago rin ng EO ang pangalan ng National Anti-Money Laundering and Countering the Financing of Terrorism Strategy at ginawa itong National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy.