Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
Kano utas ng matagpuan sa loob ng silid sa Pampanga
Bernard Galang
May 12, 2025
442
Views
ISANG Amerikano ang natagpuang patay sa loob ng kanyang kwarto noong Linggo sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ni Angeles City police acting director Col. Joselito Villarosa Jr.ang nasawi na si Ray, 72, retiradong sundalo.
Natagpuan ang dayuhan na wala nang buhay at nakahiga sa kama katabi ang table may mga gamot na Plavix, Alacand, Zetia at Crestor.
Sinabi ng caretaker sa pulisya na nakarinig siya ng sinok mula sa silid ng dayuhan kaya pinuntuhan niya ito at sinubukang gisingin ngunit nanatiling walang malay kaya humingi siya ng tulong sa barangay at pulisya.
Walang nakitang senyales ng struggle ang mga pulis sa silid.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

