Barbers

“Kapag nasagad ang pasensiya ng mga Pinoy, maghahalo ang balat sa tinalupan”

Mar Rodriguez Mar 22, 2024
112 Views

NAGBABALA ang isang kongresista na tinaguriang “Alas ng Mindanao” na kapag nasagad ng husto ang pasensiya ng mga Pilipino dahil sa pangbu-bully ng China ay tiyak na maghahalo ang balat sa tinalupan”.

Ito ang ipinahayag ng tinaguriang “Alas ng Mindanao” na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace “Alas” S. Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na nakahandang makipagtulungan ang Pilipinas sa China kaugnay sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).

Subalit binigyang diin ni Barbers na kapag ang issue na ng WPS partikular na ang kasarinlan o sovereignty ng Pilipinas ang nasaling maaaring mag-iba na ang timplada ng mga Pilipino sapagkat kinakailangang ipagtanggol ang ating kaparapatan sa lugar na pilit na inaagaw ng China.

Kinatigan din ni Barbers ang pahayag mismo ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na nakahanda ang Pilipinas na makipag-ugnayan sa China patungkol sa interes ng dalawang bansa. Subalit nakahanda rin ang bans ana igiit ang kasarinlan nito sakaling ipagwalang bahala ito ng China.

“Hindi na natin siguro kailangang pag-isipan pa or i-memorize pa kung ano ang motibo ng mga Makabagong Makapili sa ating bansa. China and its officials may have been emboldened to their thing at the WPS because of the apparent direct and indirect support extended them by some unscrupulous Filipinos which labeled as Makabagong Makapili,” ayon kay Barbers.

Nauna ng sinabi ni Barbers na ang aksiyon ng China sa WPS patungkol sa paglalagay nila ng Chinese Navy at Coast Guard ships sa Kalayaan Group of Islands ay isang panibagong pangbu-bully paninindak nito sa Pilipinas.

Binigyang diin ni Barbers na isa lamang ang ibig ipakahulugan ng China. Nais aniya nilang takutin at sindakin ang mga Pilipino upang igiit nila ang kanilang hangarin na tuluyan ng angkin ang WPS sa pamamagitan ng kanilang pangbu-bully.