Calendar
Kapakanan ng bawa’t Pinoy ipaglalaban
BILANG isang tunay na mandirigma na lumalaban sa masasamang loob at mapang-abuso sa lipunan, nanindigan si presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson na kaya niyang ipaglaban ang kapakanan ng bawat isang Pilipino tungo sa mas maayos na buhay at kinabukasan.
Ayon kay Lacson, sa kabila ng impluwensya ng pera sa pulitika ngayong kampanya at sa mga mapagsamantalang nasa likod nito, makasisiguro ang mga Pilipino na kung siya ang mananalo ay hindi madaraig ang kanyang prinsipyo at laging uunahin ang kapakanan ng mga mamamayan.
“With the rigors and influence of money politics in this campaign, and the opportunism and treachery that go with it, I keep asking this question: Is the Filipino still worth fighting for? Each time, I always get the same answer: Yes, the Filipino is worth fighting for,” pagtatapos na pahayag ni Lacson sa ikalawang round ng presidential debate ng Commission on Elections (Comelec).
“Mahal ko ang aking bayan. Handa kong ipagtanggol laban sa mga dayuhang mananakop at sa mga may kapangyarihan na nagsasamantala sa mga kapos-palad nating mga kababayan,” dagdag niya.
Humiling din si Lacson sa mga botanteng Pilipino na buksan ang kanilang isipan at iboto ang kandidato na pinaka-kwalipikado at may kakayahan, imbes na kung sino ang pasikat para hindi masayang ang kanilang boto.
“Palagi naming naririnig—sayang daw ang boto sa mas kwalipikado dahil baka hindi lang manalo. Ang totoong sayang na boto ay para sa hindi karapat-dapat manalo at sa mga magnanakaw na dapat walang karapatang maluklok sa pwesto,” saad ni Lacson.
May mensahe rin ang presidential candidate sa lahat ng mga Pilipino—botante man, mga naghahangad ng posisyon sa gobyerno, o sumusuporta sa iba’t ibang mga kandidato—na unahin ang bayan at kapakanan ng mahihirap na mamamayan. Aniya “Maawa na po tayo sa ating mga kababayang Pilipino.