Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Kapitbahay pinatay sI lolo sa saksak

374 Views

PATAY ang 60-anyos na lolo ng saksakin ng nakaalitang tricycle driver sa bahay niya sa Quezon City noong Huwebes.

Nadakip ang suspek na kapitbahay ng biktima.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-8:45 ng gabi naganap ang insidente sa loob ng tahanan ng biktima sa Brgy. Paltok.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Lorenz Mappala, nakita ng mga kapitbahay na lumabas ang suspek sa bahay ng biktima na tumatakbo habang may hawak na balisong.

Kasunod nito, lumabas din ang biktima sa kanyang bahay habang umaagos ang dugo sa katawan.

Dinala ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Danielle Sabrina E. Lim.

Bago ang insidente, nakita umanong nagtatalo ang biktima at suspek na posibleng dahilan ng pananaksak ng huli.