Alvarez1

Karagdagang hukuman sa Davao del Norte aprubado sa House Committee on Appropriations

Mar Rodriguez May 17, 2023
247 Views

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Appropriations ang dalawang panukalang batas na isinulong ni dating House Speaker at Davao del Norte 1st Dist. Congressman Pantaleon “Bebot” D. Alvarez para magkaroon ng karagdagang hukuman sa mga espisipikong lugar sa kanilang lalawigan.

Sinabi ni Congressman Alvarez na inaprubahan na ngayong araw (Wednesday, May 17, 2023) ng nasabing Komite ang inihain nitong House Bill No. 4999 para magkaroon ng karagdagang Regional Trial Court (RTC) branches sa Davao de Oro sa mga Munisipalidad ng Compostela, Nabunturan at Mabini.

Kasabay nito, ipinabatid din ng mambabatas na aprubado na rin sa Committee on Appropriations ang inakda nitong House Bill No. 4999 na naglalayong magkaroon din ng karagdagang dalawang Municipal Trial Court branches (MTC) sa siyudad ng Tagum sa lalawigan ng Davao del Norte.

Iginiit ni Alvarez na mismong ang 1987 Philippine Constitution ang gumagarantiya sa karapatan ng mamamayang Pilipino upang magkaroon ng libreng access sa mga Korte at ang tinatawag na “quasi-judicial bodies para s amabilis na disposisyon ng lahat ng mga kasong nakasampa sa hukuman.

Binigyang diin ng kongresista na ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi nagagamit ng mamamayan ang kanilang “constitutional rights” para makamit nila ang hustisya ay ang pagsisikip ng mga hukuman o “court congestion” dahil sa dami ng mga kasong nakabinbin sa mga Korte.

Ipinaliwanag ni Alvarez, isang abogado, na ang isa sa mga dahilan ng pagsisikip ng mga hukuman sa kasalukuyan ay ang pagdagsa ng mga karagdagang kaso na nagre-resulta sa pagka-antala ng mga kaso sac our dockets.

“Take for example the lone MTCC in the City of Tagum, Province of Davao del Norte, which currently has Five Hundred Forty-Six (546) docket of cases as of July 2022. The number of cases is steadily increasing. Note that Tagum City has population of 296,202 based on 2022 census,” ayon kay Alvarez.