Palabrica Assistant Secretary for Swine and Poultry Dr. Constante Palabrica

Karamihan sa baboy na may ASF vax sa Batangas nananatiling malusog

Cory Martinez Sep 17, 2024
83 Views

Ayon sa inisyal na resulta na inilabas ng Bureau of Animal Industry (BAI), bagamat karamihan ng mga baboy na nabakunahan ay malusog, mayroon ding iilan sa mga binakunahan ang namatay dahil positibo ang mga ito sa ASF virus. Hindi naman nagbigay ang BAI ng bilang ng mga baboy na nanatiling malusog at yaong mga namatay.

Ang mga namatay na baboy ay isinailalim sa PCR test na nakumpirma na positibo sila sa ASF virus. Isinailalim sila sa naturang test dahil dito lang malalaman ang live attenuated vaccine.

Layon ng live attenuated vaccine, na binuo sa Vietnam, na sawatain ang ASF na sadyang lubhang puminsala sa industriya ng pagbababoy sa bansa.

Ayon kay Assistant Secretary for Swine and Poultry Dr. Constante Palabrica, available na ang ELISA test result. Sinusukat ng ELISA ang immune response sa pamamagitan ng pag-detect ng antibody level ng mga baboy. Kapag mataas ang percentage blocking, ibig sabihin malakas ang immunity ng baboy.

“The ELISA test results showed the presence of antibodies against ASF in some pigs, indicating they are building immunity. All remaining pigs are healthy and under close observation,” ani Palabarica.

Binanggit din Palabrca na kasalukuyan na rin isinagawa ang DIVA test.

“The DIVA test distinguishes between vaccinated pigs and those infected with the field virus, which will help determine if the virus in the deceased pigs is linked to the vaccine or external sources,” paliwanag ni Palabrica.

Binigyang-diin pa ng opisyal na ang bakuna ay bahagi ng mas malawak na estratehiya sa pagsawata sa pagkalat ng ASF virus.

“Vaccination is crucial, but it must be accompanied by stringent biosecurity practices to prevent further outbreaks. Honest and timely reporting from farmers is essential for the program’s success,” dagdag pa ni Palabrica.

Samantala, muling nangako si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang pagpapa-igting pa sa paghahanap ng solusyon na pangmatagalan hinggil sa problema sa ASF.

“These initial results are part of a broader effort to protect our swine population. We remain hopeful, but cooperation from all stakeholders is vital. Strict adherence to vaccination protocols and biosecurity measures is crucial,” ani Tiu Laurel.