BBM1

Karapatan ng media suportado ni PBBM

228 Views

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng proteksyon sa karapatan ng media.

Kinilala rin ni Marcos ang kahalagahan ng media sa paghubog ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa Manila Overseas Press Club (MOPC) tiniyak ni Marcos na poproteksyunan ng kanyang administrasyon ang karapatan ng media.

“I underscore the crucial role of the press in building an active citizen, one that contributes to the development of our society. Your proactive participation in keeping well informed [the] citizenry form spark of our collective goal to empower Filipinos and establish more robust Philippines,” sabi ni Marcos.

Handa rin umano ang administrasyong Marcos na makinig sa mga alalahanin ng industriya ng pamamahayag.

Nauna rito ay nagpahayag ng pagkabahala si Marcos sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Percy Lapid.