Calendar
Karapatan ng mga Pilipino na malaman kung ano ang nasa kanilang pagkain: Para sa food warning labels
KAPAG ang isang tao ay hindi sinasadyang nakabili ng produkto na mas mababa sa ipinangakong kalidad at kaligtasan, pinoprotektahan ng ating mga batas ang kanilang karapatan laban sa mapanganib na produkto sa pamamagitan ng pagpapahintulot na ito’y maibalik o marefund.
Kung ilalapat natin ang parehong prinsipyo sa food labeling, malinaw ang pagkakatulad. Katulad ng karapatan ng isang mamimili ng kotse na malaman kung bago o gamit ang kanilang binibili, nararapat din na malaman ng mga konsyumer ang tunay na nilalaman ng nutrisyon ng kanilang kinakain at ipinapakain sa kanilang pamilya.
Gayunpaman, malayo ang kasalukuyang batas ng food labeling sa pagtiyak ng ganitong transparency.
Sa isang media roundtable at exhibit ng unhealthy food kamakailan, ipinakita ng mga doktor at tagapagtaguyod mula sa HealthJustice Philippines at Healthy Philippines Alliance ang mga kilalang meryenda at inumin na karaniwang kinokonsumo ng mga Pilipino – at inilagay ito sa tabi ng mga visual na nagpapakita ng totoong dami ng sodium o asukal nito.
Sa ilang pagkakataon, ang isang bote ng soy milk ay may aktwal na dami ng asukal na katumbas ng isang artificially sweetened na fruit juice. At ito ang mga meryenda at inumin na napupunta sa lunchbox ng ating mga anak.
“Hindi ba’t nakakakilabot na realidad iyon?” tanong nila. “Ang mga inuming soy milk na inilarawan bilang mas malusog na alternatibo sa soft drinks ang maaaring sanhi ng obesity at noncommunicable disease epidemic na nakikita natin ngayon sa ating bansa.”
“All this because our consumers don’t know any better. All we’re allowed to see, after all, is the flashy marketing offering false promises of ‘sugar-lite’ options that still satiate our taste buds. To say that our laws protect consumers already by providing nutrition facts is nothing short of disingenuous, if not downright malicious,” dagdag pa nila.
Ang karaniwang Pilipinong konsyumer ng mga produktong ito ay nais lang uminom. Ang pagkakaalam, halimbawa, na ang inumin ay naglalaman ng 65 gramo ng asukal ay walang kahulugan para sa estudyante, manggagawa, o komyuter na nagtrabaho ng siyam na oras at nais lamang ng pampalakas mula sa pinakamalapit na sari-sari store.
Ang nutrients of concern tulad ng asukal, sodium, at fats ay hindi masama sa kanilang sarili, ngunit ang labis na pag-inom nito na lampas sa ating daily allowance ay maaaring magdulot ng hypertension, diabetes, sakit sa puso, at sakit sa bato.
Pinatunayan ng mga pag-aaral na ang malinaw at simpleng warning labels ay makatutulong sa mga konsyumer na pumili ng mas malusog na opsyon, habang pinananagot ang mga manufacturer sa epekto ng kanilang mga produkto sa kalusugan. Sa mga bansang tulad ng Chile at Mexico, kung saan ipinatupad ang mandatory food warning labels, malaki ang iniunlad ng pampublikong kalusugan.
“Just as consumers have the right to know what they are purchasing—whether it be a car or food—so too do they deserve clear and honest information about what they are consuming. The spirit of our laws is clear: businesses are obligated to provide accurate information to consumers, whether it’s about the safety of a product or its nutritional content,” anila.
Ang kawalan ng ganitong labels sa Pilipinas ay nakalilinlang sa mga konsyumer tungkol sa kanilang aktwal na kinakain at iniinom. Mas delikado ito kung isasaalang-alang ang tumataas na kaso ng obesity at diabetes—mga sakit na may kaugnayan sa maling dietary choices na naimpluwensiyahan ng mapanlinlang na marketing.
“If our laws can stand up for Filipinos against deceptive and defective products, why can’t they do the same for the many consumers who have been lied to about the food they eat?”
Si Maria Fatima “Jofti” Villena na nagbibigay kaalaman at babala sa publiko ay isang board of trustee ng The Policy Center.
Ang kanyang expertise ay nakatuon sa budget at policy advocacy sa primary health care, health promotions, at non-communicable diseases na nakatuon sa pagpapahalaga sa tamang pagkain at kalusugan ng ating Mamayan. Ni Maria Fatima “Jofti” Villena