Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Christmas Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Louise Araneta Marcos ang seremonya ng pag-iilaw ng Christmas tree sa Kalayaan Grounds sa Palasyo ng Malacañan nitong Disyembre 1, 2024. Nasa pagdiriwang din sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ang kanyang butihing kabiyak na si TINGOG Partylist Congresswoman Yedda Romualdez. Sa programa, iginawad ng Pangulo ang mga parangal sa nangungunang tatlong nanalo ng Pambansang Parol-Making Competition na tinawag na ‘Isang Bituin, Isang Mithiin,’ ng Office of the President (OP), Office of the Social Secretary (SoSec). ) at Department of Education (DepEd). Ang kumpetisyon ngayong taon ay nakalap ng 148 Christmas lantern na ginawa ng iba’t ibang pampublikong sekondaryang paaralan. Layunin nitong ipakita ang init ng ‘Paskong Pinoy’ at ang pag-asa sa ‘Bagong Pilipinas.’ Isa pang event highlight ay ang pagtatanghal ng mga kilalang artista sa bansa, kabilang sina Jose Mari Chan, The Alice Reyes Dance Philippines at Ms. Carla Guevara-Laforteza.

Karapatan ng mga Pinoy na ipagdiwang ang Pasko — PBBM

Chona Yu Dec 2, 2024
78 Views

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na karapatan dapat na ipagdiwang ng mga Filipino ang Pasko ngayong taon.

Paliwanag ni Pangulong Marcos, ito ay dahil dumaan sa matinding pagsubok ang bansa bunsod ng sunod-sunod na bagyo.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa traditional Christmas tree lighting ceremony ng Office of the President (OP) sa Kalayaan Grounds sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na dapat na alalahanin ng mga Filipino ang mga nasalanta ng bagyo.

“My Christmas wish is that despite everything, every Filipino should somehow feel Christmas. Because after all, no matter how many typhoons they throw at us, no matter how many problems are thrown at us, there’s nothing that will quench the Christmas spirit in the Filipino heart,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“In very child, man, woman Filipino, hindi mo na matatanggal sa Pilipinas ‘yan (you can’t take it away from the Philippines). And rightly so, we all deserve Christmas. It’s been a tough year,” dagdag ng Pangulo.

Kasabay nito, ginawaran din ng parangal ni Pangulong Marcos ang mga nanalo sa National Parol-Making Competition na tinaguriang “Isang Bituin, Isang Mithiin” ng OP, Office of the Social Secretary (SoSec) at Department of Education (DepEd).

Nasa 148 Christmas lanterns ang itinampok ngayong taon na gawa ng iba’t ibang public secondary schools.

Itinanghal na grand winner ngayong taon ang Pedro V. Panaligan Memorial National High School mula sa Calapan City, Oriental Mindoro. Naiuwi nito ang P1 milyong premyo at P500,000 para sa eskwelahan.

Nasungkit naman ng Panabo City National High School ng Davao del Norte ang ikalawang puwesto at naiuwi ang P500,000 na premyo at dagdag na P300,000 para sa eskwelahan.

Nasungkit naman ng Roxas City School for Philippine Craftsmen sa Capiz ang ikatlong puwesto at naiuwi ang P300,000 na premyo at dagdag na P200,00 para sa eskwelahan.