Batangas City mayor binisita ng 40 day care pupils
Feb 25, 2025
Jennylyn ’di na kayang mag-topless
Feb 25, 2025
Binoe napipisil para sa remake ng ’80s movie
Feb 24, 2025
Calendar

Health & Wellness
Kaso ng COVID-19 noong Nobyembre bumaba
Peoples Taliba Editor
Dec 2, 2022
213
Views
BUMABA ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 sa bansa, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).
Umabot sa 33,154 ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 noong Nobyembre mas mababa kumpara sa 57,794 kaso na naitala noong Oktobre.
Sa kabuuan ay 4,036,277 na mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 18,043 ang aktibong kaso.
Nasa 64,641 naman ang mga namatay at ang nalalabi ay ang bilang ng mga gumaling.
Nananatiling ang National Capital Region (NCR) ang rehiyon na mayroong pinakamaraming naitalang kaso. Umabot ito sa 1,298,035.
Sumunod naman ang Region IV-A na nasa 721,674 at Region III na naitala sa 397,774.